Patuloy ang aktres at environmentalist na si Antoinette Taus sa kanyang adbokasiya na talakayin ang kahalagahan ng mga bakawan sa kapaligiran at ipaliwanag ang pagiging kapaki-pakinabang nito.
Ibinahagi ni Antoinette ang tungkol sa kung paano makatutulong ang mga mangrove na pigilan ang pagbabago ng klima, sa kanyang Instagram page noong Martes, Abril 26, sa pamamagitan ng isang TikTok video.
“Did you know that #Mangroves are the only trees able to live in saltwater? Nature-based solutions, especially mangroves, can help fight climate change and mitigate sea-level rise. Another reason they need our protection,” aniya.

Dagdag pa niya, “Blue carbon is one of the nature-based solutions that will not only save the planet’s climate but also bring about benefits for the ocean itself.”
Sinabi rin niya sa lahat na protektahan ang mga bakawan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga inisyatiba na pinangunahan ng CORA WoMangrove Warriors.
“Let’s REIMAGINE, RECREATE and RESTORE the precious mangrove forests of the #Philippines while empowering women in coastal communities,” sabi ng aktres.

Hinihikayat ng 40-anyos ang mga netizens na matuto pa tungkol sa mga bakawan at magpatibay ng isang mangrove seedling kasama ng kanyang advocacy group sa pamamagitan ng pagbisita sa link na ibinigay niya na makikita sa video.
Kamakailan din ay lumahok siya sa pagdiriwang ng Earth Day sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga bakawan sa Baybay City, Leyte kasama ang CORA WoMangrove Warriors.
“Adopt a mangrove seedling and help protect communities, empower women and fight climate change,” ani Antoinette.

Marami ang humahanga sa aktres na bukod sa maganda na at mabait ay mahal pa niya at pinahahalagahan ang kalikasan.
“Mangrove is powerful tree like a powerful Woman like you.”
“Kaya pala napakaraming mangrove trees dito sa Uae., and tourist spots na rin s’ya at the same time.”
“Thank you maam for saving our planet.”
“Salute you po sa mga ginagawa mo.”
View this post on Instagram