Ibinahagi ni Melai Cantiveros sa kaniyang Instagram account ang pagsuporta sa Leni-Kiko tandem.
Ayon sa comedienne at TV host, hindi lahat ng tao ay sumusuporta sa isang kandidato dahil sa pera dahil may mga tulad niyang botante na naniniwala sa pag-asang hatid ng naturang tandem.
“Not all support involves money, believing someone is priceless,” aniya sa kaniyang caption.
Ilang beses nang idineklara ng TV host na hindi siya binabayaran para suportahan at mangampanya para sa tandem.
Ibinunyag din niya na applicable ang kanyang statement hindi lang sa kanya kundi sa iba pang celebrities na sumusuporta sa Leni-Kiko.

Sa kanyang post, sinabi rin niya na ang mga artista na tulad niya na sumusuporta sa tandem ay hindi binabayaran at ito ay fact news, hindi fake news.
“At Yan si @bise_leni at @kiko.pangilinan Ganyan ang suporta naming mga artista sa kanila, walang katumbas na kwarta and that is Real, ‘yan kay FactNews hindi FakeNews.”
Pagkatapos ay sinabi niya na ang mga tao ay dapat piliin ang Leni-Kiko upang matiyak ang kanilang kinabukasan.

Tinag din ni Melai ang mga kapwa artista tulad nina Jolina Magdangal at Pokwang, at idinagdag na sinusuportahan din nila si Leni kaya dapat ganoon din ang gawin ng mga tao.
“Kaya kung ako sayu, sa Inyu??? Mag Leni-Kiko na kayu para sigurado ang Future ninyu ‘di ba momshiejols@mariajolina_ig at ate poks ‘di ba @itspokwang27 Kay Leni kami sana Kayu nadin.”

Ilang netizens naman ang sumang-ayon sa sinabi ni Melai.
“True.”
“We love you, Momshie Mels. Ipanalo na natin ito.”
View this post on Instagram