Artistahing bata na isinama ng magulang sa grocery na-discover ni Neri

Isa na namang showbiz potential ang na-discover ng actress-entrepreneur na si Neri Naig.

Sa pagkakataong ito, ang namataan niya ay isang artistahing bata na namimili lamang kasama ang mga magulang nito sa isang grocery store sa Alfonso, Cavite.

Sa Facebook, ibinahagi ni Neri ang litrato ng magandang batang nakilala niya. Siyam na taong gulang lamang daw ang half-Filipino, half-Croatian na ipakikilala niya sa management ng TalentMarketers, Inc.

neri

“Ang daming magaganda sa Alfonso! Nag go-grocery lang ako kanina at may nakasalubong akong magandang bagets. I asked her parents kung puwede kong piktyuran at ipapakita ko ‘ka ko sa management,” kuwento niya.

“This is Mariella, she’s nine. She is half-Pinay, half Croats. She speaks Croatian, English, and Tagalog. Soon, ipresent ko rin si Mariella sa TalentMarketers Inc. Kasama ng parents niya, of course, kagaya ng ginawa ko kay Kimberly C. Varias na ngayon ay talent na ng same management ko.”.

Matataang muse noon sa isang basketball team si Kim nang makita siya ni Neri, na agad naisipang kuhanin siya bilang isang talent dahil nakitaan siya nito ng potensyal. Sa ngayon, marami na rin nakapila para kay Kim.

neri

“May mga sponsors na rin si Kim and after niyan as per our manager, Jojo Ampeloquio, mag-workshop na soon si Kim para mas ma-ready na siya next year,” wika ni Neri.

Sa ngayon, bukas pa rin ang nasabing talent agency para gumabay sa mga nagsisimula pa lamang sa larangan ng pag-arte. Kung may nais daw sumubok o magbigay ng rekomendasyon, maaari raw mag-email kay Neri. Kailangan lamang ng mga ito na maglakip ng unfiltered photo ng aspiring artist sa isi-send na e-mail sa kanya.

“If may kakilala kayong pang-artista, commercial model, vlogger, singers, at pang-beauty queen sa Alfonso at Tagaytay, kindly email me na lang your photos na NO FILTER, raw photos much better po mrsnerimiranda@gmail.com,” ani Neri.

neri

Post a Comment

Previous Post Next Post