'Kaya siguro hindi ako naging milyonaryo': Epy hindi raw kailanman naging greëdy sa pera

Matagal-tagal na rin sa industriya ang versatile actor na si Epy Quizon at bukod sa pag-arte, ikinararangal din ng aktor na hindi siya kailanman nagdamot at nananatili siyang bukas-palad sa kanyang kapwa.

epy

Bilang isa sa mga tampok sa pelikulang Greed ng Viva Films, naitanong din kay Epy kung dumating ba siya sa punto na naging ganid o greedy siya. Tugon niya, lumaki daw silang magkakapatid na mapagbigay dahil iyon ang ugaling kinamulatan nila sa kanilang ama na si late Comedy King Dolphy.

“Ako kasi, ipinanganak kami, giving talaga kami. I think the whole family is. Siguro natutunan namin sa tatay namin ’yon na masyadong mapagbigay. As in talaga, may pumipila sa labas ng dressing room ng tatay ko para [hintayin siyang] mamigay,” pagbabahagi ni Epy, ayon sa ulat ng Pikapika.

Sa katunayan, ngayong pandemya kung kailan sinusubok ang lahat, inakala niya na makapagdadamot siya ng pera sa ibang tao upang unahin ang kapakanan ng kanyang sariling pamilya. Ngunit sa kabila raw ng lahat ng hamon, katulad ng kanyang ama, ay nanatiling malambot ang loob niya para sa mga nangangailangan.

epy

“Under threat nga ’yong family ko,” aniya. “Wala kaming trabaho. Pero, I guess, hindi mo rin ma-practice ’yong greed. Maaawa ka rin sa mga tao sa paligid mo na nangangailangan din ng tulong.”

“I guess, hindi ko talaga s’ya. It’s not in my nature to become greedy kaya siguro hindi ako naging milyonaryo kahit na, you know, I’ve been working for quite some time. Kung tutuusin dapat marami na akong pera ngayon,” pagpapatuloy niya.

Marahil, kung mayroon man daw mga pagkakataon na naghangad siya ng sobra-sobra, doon lamang siguro sa atensyon at oras ng kanyang ama na hinahati sa propesyon nito at sa kanilang 18 anak nito.

“I guess, greed comes in different forms. Hindi lang monetary, pati emotional,” wika ni Epy. “Siguro mas naging greedy kami dahil 18 kaming magkakapatid wanting the time from our father. So, I guess doon ko talaga na-experience ’yong greed,” pag-amin niya. “It’s more on the emotional greediness…’yong selfishness. S’yempre, gusto mong pansinin ka ng tatay mo, ’di ba?”

epy

Post a Comment

Previous Post Next Post