Bahay na ipinagbibili online may mystery dweller sa basement na libre ang renta

Iba’t iba ang matatagpuan sa mga lumang bahay na ipinagbibili online. Mayroon mga antigo at saksi sa napakaraming kaganapan sa nakaraan. Mayroong may mga sira na kailangang kumpunihin para maging komportable muling panahanan. May ilan pang napababalita na may mga multo o supernatural na kaganapan. Puwedeng may history na nais nang kalimutan ng naunang nanirahan. At puwede rin namang basta nakahanap lamang ng bagong tahanan ang nagmamay-ari ng bahay at lupa.

Iba’t iba ang dahilan at katotohanan sa bawat house for sale posting, katulad na lamang ng isang bahay na ipinagbibili online at naka-post sa Zillow. Bukod sa mga kadalasang issues sa bahay katulad ng mga tagas o sirang parte, ang bahay na ito sa Virginia ay mayroong dweller sa basement na hindi maaaring paalisin ng sinumang makabibili ng property.

bahay online

“No access to see lower level and home sold as is only with acknowledgement that home will convey with a person(s) living in lower level with no lease in place,” panimulang sabi ng description ng nasabing property.

Bukod pa sa mystery dweller na hindi magbabayad ng renta sa bagong may-ari, sinabi rin dito na may ilang issues pang kailangang asikasuhin para ma-maximize ang comfortable living opportunity na maibibigay sa mga maninirahan dito.

bahay online

“Original windows, some with rot. Sliding door from family room would require replacement. Dishwasher not working. Powder room toilet is shut off and it leaks in lower level. Deck supports appear to be in good shape, not to today’s code and upper decking boards are in poor shape,” saad nito.

“Replace existing carpet on main level (bedrooms in UL have wood floors), improve deck surface, replace sliding door, fix wood rot around windows, paint exterior, trim as needed, replace three toilets and one light came in around $25,000,” pagpapatuloy nito kasabay ng pagtitiyak na maganda namang tirahan ang bahay, ngunit kailangan lang talaga ng kaunting TLC o tender loving care.

bahay online

Ikaw, kukunin mo ba ang bahay na ito? Ano ba ang mga katanggap-tanggap na dahilan at ano ang mga hindi mo mapalalampas kung titingin ka ng house for sale online?

Post a Comment

Previous Post Next Post