Barbie Imperial, sinabing malaking tulong ang kanyang ina kaugnay sa break-up na napagdaanan

Ibinahagi ng aktres na si Barbie Imperial sa programang “Magandang Buhay” kung paano nakatulong ang kanyang ina pagdating sa kanyang buhay pag-ibig.

Ayon sa aktres, napakalaking tulong sa kanya ang presensya ng kanyang ina na si Bing Imperial sa pinagdaanan niyang breakup.

Hindi lamang ina ang turing nila sa isa’t isa kundi bilang mag-bestfriend na rin.

Iba talaga ang feeling kapag lahat ng problema mo ay nakakausap mo ang iyong ina; maliit o malaki mang problema ay nadadamayan ka.

Inamin ni Barbie sa Magandang Buhay na ang ina niya ang pinaka-pinagkakatiwalaan niyang tao at lahat ng nangyayari sa kanyang buhay ay ikinukuwento niya lahat.

“Lahat naman po ng break up ko, si mama talaga yung nandyan para sa akin… Minsan kapag hindi ko na po talaga kaya ite-text or icha-chat ko siya na ‘Mama dito ka na lang matulog sa kwarto ko’,” pagkukuwento niya.

Basahin: Barbie Imperial kinumpirmang hiwalay na sila ni Diego Loyzaga

Hindi lamang mga lovelife ang kanilang pinag-uusapan kundi pati ang mga bashers.

“Before sobrang naaapektuhan po ako. Pero ngayon, sinasabi niya palagi as long as kilala ko yung sarili ko at alam ko na wala akong tinatapakan na tao, ano lang… life goes on,” ani pa..

“Yung mga bashers ano lang yan eh magsasalita at magsasalita lang yan pero as long as alam mo kung ano yung laman ng heart mo, hindi ka matitibag,” dagdag pa niya.

Thankful si Barbie sa kanyang mommy, “Very thankful ako sa mama ko kasi, syempre kapag lumalaki ka na walang tatay parang sobrang lungkot but yung mama ko since day 1 talaga hindi niya talaga ako pinabayaan. Siya talaga yung superhero ko, bestfriend ko… siya lahat. Siya rin yung tatay ko,” paglalahad ng aktres.

Ngayon ay masaya na ang puso ng aktres pagkatapos ng nangyaring break-up nila ni Diego.

“Ngayon syempre sobrang happy na talaga ako, finally! Finally after three months ng break up namin. I’m okay na. Happy,” masayang kuwento ni Barbie.

Panoorin:

Post a Comment

Previous Post Next Post