Sa maniwala ka man o hindi, gawa sa plastic ang ball gown na ito. Kabilang ito sa mga likha ng isang fashion designer na pinagsanib ang sustainability at istilo.
Talaga nga namang nakahahanga ang talento ng mga Pinoy, ‘di ba?
“Ako si Leonora Buenviaje, 51 years old. Isa akong mananahi at fashion designer.”
Sinong mag-aakala na mga garbage bag at bubble wrap ang ginamit sa paggawa ng mga ball gown na ito?
Isang netizen naman ang nagbahagi ng kaniyang suot na gown sa FB group na Philippine Plastics Industry Assn. kung saan si Leonora ang gumawa.
Ang passion ni Leonara para sa recycled fashion ay nagbibigay-daan sa kanya na tuklasin ang mga ideya sa disenyo na hindi lang runway-ready kundi pati na rin ang earth-friendly at cost-effective.
“Mas ok gumamit ng mga recycled materials kasi halos walang puhunan, ang babayaran lang dito is labor, ‘yung paggawa namin. Mas matibay siya, mas makulay at makakatulong pa sa environment,” ani Leonora.
Sa nakalipas na pitong taon, si Leonora ay nakapagtahi na ng mga damit mula sa diyaryo, plastic wrapper, at sako ng bigas.

“Ito sako ng bigas, mas pinili namin eto kabilaan para mas mabilis. Gagawin naming dress ng bata”
Ang ginagamit niya’y mga hindi nakasanayang materyales at idinadaan sa conventional sewing machine para i-upcycle ang mga ito sa mga gown, frocks, at costume.
Ang kaniyang mga gawa ay ibinebenta niya sa halagang $30 hanggang $50 (P1,500 hanggang P2,500) at ginagamit sa mga debut, kasal, at lokal na pageant.

Ang kanyang mga disenyo ay hindi lamang nakaaakit sa mata ngunit panalo din sa puso ng karamihan para sa positibong epekto nito.
“Mahalagang gumamit ng used materials or mag-recycle para makatulong tayo sa buong mundo na maging creative and maiwasan din ‘yung pag-imbak ng basura kung saan-saan,” ni Lalaine.
Inaasahan ni Leonora na maipakita ang kanyang conservation couture at magbigay ng inspirasyon sa iba upang makita ang kagandahan kahit na sa mga bagay na tila walang kuwenta o hindi kaaya-aya sa paningin.
Pagmasdan ang kanyang mga likhang obra sa Kapuso feature:
