Nagpasiklab sa kanyang post sa social media ang aktres na si Cai Cortez – na mas kilala bilang ‘pambansang bestfriend’ sa mga pelikula o teleserye. Ipinagmamalaking ibinida nito ang kanyang larawan na ready na para sa summer outfit.
Sa kanyang IG account noong Abril 11 ay confident nitong ipinakita ang kurba ng kanyang katawan na may kalokohang mensahe pa para sa katulad niyang chubby .

“According to science, heat makes things expand. No wonder malapad ako. Cause im so hawt!! Hahahaha charot,” pagbibiro ng aktres.
“For giving plusies a chance to express our inner confidence through clothes that actually fit and flatter our curves,” sabay pinasalamatan ang brand ng suot niyang swimsuit.
Kilala ang aktres sa mga character na nagdudulot ng ngiti at saya sa mga role na ginagampanan niya, na kadalasan ay kapatid o matalik na kaibigan ng lead star sa isang teleserye o pelikula. Bakit nga ba hindi—talagang witty at bubbly ang kaniyang personalidad!

Ang naturang post ay umani ng iba’t ibang reakyon mula sa kanyang mga followers, kaibigan at kilalang mga personalidad katulad nina Kakai Bautista, Tart Carlos, Maxine Medina, Camille Prats, Ria Atayde, Dionne Monsanto, at Sanya Lopez.
“Ang sexy mo babe!!! Grabe” – maxine_medina
” Soooo pretty pech!” – camilleprats
“gandaaaaaa!!!! kaibigan ko yernnnn”

Si Cai ay anak ng kilalang batikang aktor na si Rez Cortez. Kilala rin ang ama sa pagiging action star sa maraming action films sa kanyang intense at antagonistic roles at gayundin sa mga teleserye.
Ang 33-anyos na si Cai ay nakapagtapos sa kursong Theatre Arts sa University of the Philippines-Diliman.
Siya ay kasal sa mister na si Wissem Rkhami at mayroon silang dalawang anak.
Si Cai ay bahagi ng teleseryeng rom-com na ‘First Lady’ Season 2 na napapanood gabi-gabi sa GMA Network.