Isa lang naman ang hiling ni Nanay Lita Arnaiz sa kaniyang ika-80 kaarawan; ito ay ang mayakap muli ang kaniyang OFW son na si Ariel Arnaiz na halos labing dalawang taon nang nagtatrabaho sa malayo at matagal na niyang hindi nakikita at nayayakap.
Sa Tiktok video ng apong si Mica Arnaiz ay ibinahagi nito ang pagkikita ng kaniyang Lola at ng anak nitong si Ariel.
“Nais ko lang naman ay makarating si Ariel sa araw ng aking kaarawan, iyon lang ang nais ko,” ani Nanay Lita.

Walang ideya si Nanay Lita na isu-surpresa pala siya ng anak sa araw ng kaniyang kaarawan noong Pebrero 17, 2022.
Habang kinakausap siya ng isang lalaki na may hawak na mic ay pasimpleng pumasok sa pinto si Ariel, na siniguradong hindi siya makikita ng kaniyang ina, saka ito nagtago sa likod nito.
“Ngayong araw na ito, ang iyong panalangin ay answered na,” sabi ng lalaki.

Tila nabigla si Nanay at hinahanap-hanap nito ang anak; wala siyang kaalam-alam na nasa likod lang pala niya ito para surpresahin siya.
Labis naman ang saya na halos umiyak ang mag-ina nang nagkayakap na sila at talagang na-miss nila ang isa’t-isa.
“She was surprised to the point na sabi ng Lola ay ”’di ko alam ang nangyayari, basta masaya lang ako,'” ani Mica, apo ni Nanay Lita.
Natupad na rin sa wakas ang hiling niya na makasama ang nawalay na anak.

Ang emosyonal na pagkikita ng mag-ina ay nag-viral sa social media at maraming netizens ang naaliw sa kanilang mainit na tagpo.
“It was a long time prayer ni lola, na bago siya if ever kunin ni Lord, eh makita at mayakap niya ang anak na si tito Ariel,” ani Mica.
“My tito Ariel who was abroad for more than a decade was out of reach for a long time din,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Mica na hindi nagkulang ang lola niya sa pagdarasal para sa kanila, lalo na sa mga mahal niya sa buhay.
Panoorin ang madamdaming tagpo:
@micahrose.7 Mother meets son after 12 years of being apart.❤️❤️❤️ Another testimony that Prayer is Powerful!! (Matthew 21:22) #birthdaysurpriseforlola #fyp ♬ original sound – Mica Arnaiz