Dawn Chang humingi na ng tulong para marekober ang na-hack na Facebook account

Mahigit isang buwan matapos umanong ma-hack ang kaniyang Facebook account, humingi na ng tulong si Dawn Chang para marecover ito.

Sa kaniyang Twitter, sinabi ng dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na-hack umano ang kaniyang Facebook account matapos siyang magpahayag ng suporta kay Vice President Leni Robredo at sa ABS-CBN.

“I NEED HELP. Please help me recover my Facebook page. It was hacked when I expressed support for VP Leni Robredo and ABSCBN,” ani Dawn sa kaniyang tweet.

Dahil dito, umapela sa publiko ang ex-GirlTrends member na tulungan siyang maibalik ang kaniyang Facebook account.

“It has been more than a month. Retweeting this will help get their attention. Thank you,” wika pa ng actress-dancer.

Naka-tag sa kaniyang tweet ng ang Meta, Facebook, ABS-CBN at ang kaniyang abogadong si Atty. Ralph Calinisan.

Sa hiwalay na Facebook post, naglabas ng apela si Atty. Calinisan para sa kaniyang kliyente.

Ito ang buong pahayag ng abogado ni Dawn na naka-address sa Facebook at Facebook Security Meta:

“This is to bring to your attention that the Facebook Page of our client, Dawn Chang was hacked. While we have already brought this to the attention of our friends in Facebook Philippines (they have been most accommodating and helpful), sadly, the issue remains unresolved for over a month now.”

“We are requesting for your immediate assistance for the restoration of the Facebook page of our client, Dawn Chang.  We trust that you will give this your preferential attention.”

Kung matatandaan, noong Pebrero 16 ay sinabi ni Dawn na na-hack ang kaniyang Facebook account matapos akusahan ng isang netizen na tinanggal niya ang kaniyang posts na bumabatikos kay Toni Gonzaga dahil sa pag-host ng huli sa UniTeam grand proclamation rally sa Bulacan.

“I didn’t. My facebook was hacked and cannot be found. We are working on it,” sagot ng Kapamilya actress sa netizen.

Naging kontrobersyal ang naging pahayag ni Dawn laban kay Toni dahil nauwi pa ito sa pag-demand niya ng public apology mula kay Cristy Fermin dahil sa malisyosong alegasyon ng showbiz journalist.

BASAHIN: Cristy Fermin sumagot sa kampo ni Dawn Chang, “Wala akong babawiin, walang public apology”

Post a Comment

Previous Post Next Post