'Nakaka-emo': Darla masaya na nakitang muli ang mga anak ni Kris pagkalipas ng 3 taon

Halos tatlong taon din simula noong huling beses na nakasama ng entertainment personality na si Darla Sauler ang malapit na kaibigan niya na si Kris Aquino. Bukod sa sayang naramdaman nang makita muli ang Queen of All Media, labis din daw ang tuwa ni Darla nang makita ang mga anak nito.

Kuwento ni Darla, ang head writer noon ng ABS-CBN program na KrisTV, higit sa pagkakaibigan nila ni Kris, naging malapit din siya sa mga anak nito, lalo na kay Bimby na talaga namang nasubaybayan niya na ang paglaki.

darla kris

“Missed you so much, @krisaquino, Kuya Josh, and Bimb! Ang saya na, finally, nakabisita na sa’yo,” saad ni Darla sa caption ng litratong ini-upload niya sa Facebook.

“Halos three years kaming ‘di nagkita nang personal ni Krisy, pero halos araw-araw naman kaming magkausap. Gano’n talaga ‘pag ‘yong katrabaho mo, nagtitiwala sa’yo at tinatrato kang kaibigan. Eventually, magiging pamilya talaga kayo. Kaya nakaka-emo to see Kuya, and lalo na si Bimb na literal kong nasubaybayan ang paglaki,” pagpapatuloy niya.

Ipinagdarasal daw ni Darla ang paggaling ng kanyang malapit na kaibigan.

“Love you, guys, so much! And tuloy-tuloy lang ako sa dasal for your health, Krisy. See you again soon,” wika niya.

darla kris

Kaugnay ng kanilang muling pagkikita, maraming fans din ang natuwa sa reunion ng dalawang magkaibigan, lalo na at madalas bukambibig noon ni Kris ang pangalan ni Darla. Hiling ng karamihan, bumuti na sana ang lagay ng aktres at muli itong gumawa ng mga proyekto bilang host at artista.

Nauna nang pinasalamatan ni Kris ang mga tunay kaibigan at tagahanga na patuloy na nagmamahal, umaalalay, at nagdadasal para sa kanyang paggaling.

“To all my real friends who have gone out of their way to reach out, send me food, fruits, flowers, balloons, and just so much na nahihiya na ko-because they want to make me feel their love and affection-you have my lifelong loyalty and gratitude,” aniya.

darla kris

Post a Comment

Previous Post Next Post