Dream come true: Herlene Budol emosyonal na nabili ang kanyang pinapangarap na sasakyan

Si Herlene Budol, na mas kilala sa tawag na “Hipon Girl,” ay naging emosyonal nang nakabili ng kanyang pangarap na sasakyan!

Sa kanyang vlog na in-upload sa kanyang YouTube Channel ay ibinahagi niya ang masayang kaganapan sapagkat sa wakas ay nakuha na rin niya ang  kanyang dream car.

“Sa tagal ng pinaghirapan ni Hipon, ngayon pa lang siya magkakaroon ng first own car niya kaya naiiyak siya,” sabi ng manager niyang si Wilbert Tolentino, na sumama sa kanya sa Commonwealth, Quezon City para bumili.

Ginamit ni Herlene ang kanyang kinita mula sa kanyang vlog channel, na sinimulan niya noong 2020, para mabili ang kotse.

“Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa pangyayari, mga KaSquammy. Dream come true at para akong nananaginip,” nananangis na kuwento ni Herlene.

Ang naturang video ay umabot na sa mahigit 1.1M views at 64k likes as of posting.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa kanyang subscribers.

“U deserve it Harlene…and to Wilbert , am so proud of you of having a loving/kind heart. Love you guys.”

“Congrats Harlene, unti unti nababago ang buhay mo sa kasipagan mo. Sana wag kang makakalimot sa pinanggalingan mo at mga taong tumulong sa iyo. Sa pag angat mo sikapin mo ding maging inspirasyon at makatulong hindi lang sa pamilya mo kundi sa mga taong deserving ng tulong mo. God bless you Harlene. Isa ako sa pinatatawa mo, nakakabawas ng worries ko. God bless din to your Manager Wilbert sa mabuting puso at pagkatao nya dahil sa marami ng tao nyang natulungan at isa kana don.
May your tribe flourish Mr.Wilbert, God bless you more.”

Basahin: P50-ipon challenge: Herlene Budol nakaipon ng mahigit 39K

Matatandaan na nag-viral at ibinahagi ng aktres-komedyante ang kanyang teknik sa pag-iipon sa pamamagitan ng isang vlog sa kanyang YouTube channel nitong Pebrero 10.

Ayon kay Herlene, “Alam n’yo ba ang mga 50 pesos, sobrang naging mahalaga para sa akin, dahil inisip ko siya na hindi pera, so lahat ng ganito ko iniipon ko.”

Noong nakaraang taon lamang pala siya nagsimula magtabi ng pera. “Last year ko lamang siya inumpisahan buong 2021 ko na gagastos ako at sinusuklian ako tigsisingkwenta eh hindi ko ginagastos para maipon ko siya.”

Nagbigay naman ang komedyante ng ilang mga tips. “Umpisahan mo sa mga limang piso, sampung piso ganyan o ‘di kaya ay magsimula ka sa 20 pesos na barya. Ikaw magstart ka na, akala mo impossible pero magiging possible.”

Si Hipon Girl ay nakilala noon matapos maging contestant sa Wowowin kung saan kinaaliwan siya ng mga manonood dahil sa pagiging kalog at sa nakatatawang style ng pagsagot sa mga tanong.

Post a Comment

Previous Post Next Post