Marian nag-pottery class kasama ang anak na si Zia Dantes

Nakahanap ng bagong bonding activity sina Marian Rivera at ang kaniyang anak na si Zia Dantes sa pamamagitan ng pottery workshop.

Bumisita ang mag-ina sa Wabi Sabi Studio; isang local pottery studio na matatagpuan sa N. Averilla Street, San Juan.

Sa kaniyang post sa Instagram ay ibinahagi ng 37-year-old celebrity mom ang mga adorable photos na kuha mula sa kanilang workshop.

Ipinagmalaki ng aktres ang mga ceramic ware na ginawa nila ni Zia sa pottery class noong Abril 2. Tinag din niya ang local pottery studio sa kanyang post.

Todo ngiti sina Marian at Zia habang ipinapakita nila ang kanilang mga nalikha. Pansinin din na nakasuot ng matching blue floral dresses ang mag-ina.

“Trying out something new and learning together. Happy to experience this with you my Ate Z! E’ ‘yung mas magaling pa s’ya sa akin! Sana all!” aniya sa kaniyang post.

Pinuri ng celebrities na sina Joyce Pring, Mariel Padilla at Angel Locsin si Zia sa bago nitong natutunan.

“Galing naman, Ate Z! Love the dresses, too,” ani Joyce.

“Love this!” ani Angel.

“Ang gandang mag nanay,” puri naman ni Mariel Padilla.

Nagkomento rin ang ibang followers ni Marian sa kanyang IG photos.

“Both beautiful, ito talaga ‘yung literal na Maganda kahit maliit pa lang si Zia it’s look like her Mommy na super Pretty at Natural Beauty talaga si Ms. Marian Rivera.”

“Marian Rivera is the most beautiful actress in the world. She is my idol. Marami akong nagustuhan Kay ate Marian simula noon hanggang ngayon. Ang Saya Saya ko kapag pinapanood ko siya sa GMA subrang Ganda nya. I love you ate Marian. Pa shout-out nalang po.”

“Sarap naman sa feeling ang activity niyo po mag ina… Nakaka learn pa ang bata, stress relief pa. Marian Rivera.”

Si Zia ang panganay na anak ni Marian sa kanyang asawa, kapwa Kapuso actor na si Dingdong Dantes. Winelcome ng mag-asawa si Zia noong Nobyembre 2015, habang ang kanilang pangalawang anak, si Sixto, ay ipinanganak noong Abril 2019.

Post a Comment

Previous Post Next Post