Heart Evangelista pinayuhan ng netizen na magpa-IVF o In-Vitro Fertilization

Kamakailan ay sumagot si Heart Evangelista sa isang netizen na nagpayo sa kanyang magpa-IVF o In-Vitro Fertilization para magkaroon na ng anak sa kanyang asawa na si Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Nagkomento ang isang netizen sa isang Instagram post ni Heart  kung saan nakasuot ito ng two-piece white swimsuit na may caption na “she needed that vitamin sea.”

“Ganda naman. Sana magpa-IVF ka na or surrogate para may pretty little Heart or adorable little Chiz,” saad nito.

Nagpasalamat naman si Heart sa nagkomento ngunit pinaalalahanan niya itong iwasang magsabi sa kanya kung ano ang gagawin.

“Thank you but don’t make me manduhan please,” aniya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ng ganoong komento ang Kapuso actress. Gayunpaman, palagi siyang tumutugon nang may katapatan habang nananatiling magalang.

Ginugol naman ng 37-year-old actress ang kanyang Holy Week sa Balesin Island Club, ang kanyang paboritong beach getaway.

Para sa kanyang unang beach OOTD ay naka-tag ang fashion brand na Maison Alaia ng Tunisian couturier at shoe designer na si Azzedine Alaïa. Ang pang-itaas ni Heart ay isang swimming bolero, na nagkakahalaga ng humigit-kumulang PHP37,500.00.

Sa isa pang larawan, ginamit ito ni Heart bilang arm warmer.

Ang kanyang pangalawang beach OOTD ay mula naman sa Montce, isang American brand na kilala bilang “fit-focused swimwear” na naispatan sa ilang Hollywood celebrities na sina Kendall Jenner, Priyanka Chopra, Chrissy Teigen, at Jennifer Lopez.

Pinili ni Heart ang Zebra micro scrunch bikini set at ashbury sunglasses kung saan gumastos siya ng humigit-kumulang PHP11,000 para sa outfit na ito.

Ilang netizens naman ang nagkomento.

“So Love the energy and the Love in this. Ikaw ang inspiration ko today gurl.”

“Hala grabe ka naman mi!? parang nang-aano ka na! Gandaaa mo sis! inom na tayo. Ikaw na sa Gin!!! Nag DM ako! busy ‘yern?

“I don’t see any flaws! Sheesh!! Me and my wife are your avid fan since then.”

Post a Comment

Previous Post Next Post