Matagumpay na nagsagawa ng kasalang bayan o mass wedding ang pamahalaang lokal ng Las Pinas noong Marso 31, 2022 sa Verdant Covered Court ng Barangay Pamplona 3, sa pamumuno ni Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar katuwang ang City Social Welfare and Development Office.
7:00 ng umaga nang simulan ng lokal na pamahalaan ang seremonya ng kasal kung saan aabot sa 114 couples na residente ng lungsod ang sabay-sabay na ikinasal.

Nakatanggap rin ang couples ng personal gift package mula sa mayor at vice mayor na naglalaman ng mga singsing para sa kasal, cake, alak, at food packs na idinagdag upang gawing mas simboliko ang napakahalagang kaganapang ito.
Ang mga simbolikong ritwal ng kasal tulad ng pagpapakawala ng mga puting kalapati ay idinaos rin matapos magpalitan ng panata ang couples.
Ang pagpapalipad ng puting kalapati ay simbolo ng kapayapaan sa tahanan ng mag-asawa at sa buong buhay nila na magkasama.

Ang kasalang bayan ay personal na dinaluhan ni Vice Mayor April bilang panauhing pandangal at saksi sa pag-iisang dibdib ng 114 couples sa pangangasiwa naman ni Solemnizing Officer Rev. Rommel A. Rana.
Malugod na binabati ng Pamahalaang Lokal ng Las Piñas ang lahat ng kaisa sa napaka-importanteng kaganapang ito sa kanilang buhay.
Sinabi ng alkalde na ang “Kasalang Bayan” ay bahagi rin ng ika-25 na taon ng pagiging lungsod ng Las Piñas at ika-115 anibersaryo ng pagkakatatag.
Maraming netizens naman ang bumati sa mga bagong kasal.

“Congratulation to everyone best wishes.and congrats To Mayor Imelda T. Aguilar and Vice Mayor April A. Neri. at syempre kay maam Junet Maxian Barilla para sa successfull kasalanang bayan ng CSWD.”
“Congratulations to all!! There is always something to be grateful for. For info, nung wala pang pandemic, every Thursday (once a month po yata) yan ginagawa, natigil lang mula nung nag-pandemic. Thank God, unti unti nang bumabalik sa normal ang lahat.”
“God bless your marriage and family! Continue loving each other with honesty & respect! Let Jesus be the center of your love!”