Juday ibinahagi ang ‘pang-iisnab’ daw sa kaniya ng batang love team

Ibinahagi ni Judy Ann Santos ang ilang karanasan niya sa showbiz kabilang na ang pang-iisnab umano sa kaniya ng bagets na love team na ‘medyo kilala’.

Sa vlog ng kaibigang si Meryll Soriano, napagkuwentuhan ng dalawa ang kani-kanilang experiences lalo na kapag nasa shooting location sila kasama ang ibang artista.

Dito ay inalala ni Juday ang hindi magandang karanasan tungkol sa isang batang love team na dinedma raw at hindi man lang siya binati nang dumaan ang mga ito sa harap nila.

“Ang isa sa mga na-experience ko ‘yung bagets, love team ito, ganyan, medyo kilala, iyong dumaan lang,” paglalahad ng aktres. “Hindi ka naman nagha-hanap ng atensyon na ‘hi…’, hindi naman, pero ‘yung respeto lang.”

Nasabi raw niya ito dahil hindi lang naman siya ang naroon nang mga oras na iyon, ayon kay Juday.

“Parang marami naman ding mga artista nung mga time na ‘yun na di hamak na mas matanda sa kanila. Ako, hindi na ‘yung respeto sa status e, ‘yung respeto lang sa nakakatanda,” dagdag pa ng misis ni Ryan Agoncillo.

Hindi na rin binanggit ni Juday kung sino ang tinutukoy niyang love team.

Samantala, maging si Meryll ay naikuwento rin ang kaparehong karanasan tungkol naman sa isang aktor na hindi man lang daw siya binati sa taping nila.

Dahil umano dito ay hindi na rin niya pinansin ang naturang aktor hanggang sa naturuan ito na magpakilala sa ibang kasamahan.

“Malay ko ba kasing artista siya, ‘di ba? Nakita ko na lang kasama sa eksena tapos ‘pag nandoon ka, deadma lang. Ayoko ‘yun e,” pagbabahagi ni Meryll.

Hindi raw kasi sila nasanay sa ganitong ugali ng mga bago at upcoming na mga artista dahil tinuruan sila noon na batiin ang kanilang mga kasamahan at magpakilala kapag dumarating sa set.

Kaya may payo si Juday sa mga baguhan: “Para sa mga kabataan, kumbaga ‘yung gratitude na ito ‘yung trabaho natin, naka-aircon tent tayo. Di hamak na mas malaki ‘yung kinikita ng mga artista sa mga gaffers, staff and crew but yet ang trabaho nila ay times 10 sa ginagawa natin.”

Panoorin ang kanilang kuwentuhan sa You Tube vlog ni Meryll:

Post a Comment

Previous Post Next Post