Nagpahayag si Kim Chiu sa kaniyang Twitter hinggil sa tugon ng kampo ni Bongbong Marcos sa debate challenge na inihain ni VP Leni Robredo.
Ni-retweet ng aktres ang report ng Philippine Star at sinabi nito na curious siya kung bakit parang ang spokesperson na si Vic Rodriguez na lang ang sumasagot sa mga tanong kay BBM.
Itinanong rin ni Kim kung “Sha po ba ‘yung tatakbo?”

Aniya, katulad ng pag-a-apply sa isang job interview dapat raw ang nag-aapply din ang sasagot.
“Uhm curious lang po? bakit parang mas si sir spokesperson ‘yung laging sumasagot, nakikita at humaharap? sha po ba yung tatakbo? Diba campaign period palang? Dapat ‘yung nag-a-apply ‘yung sasagot. Just like in any other JOB APPLICATION or JOB INTERVIEW. #nobashing #justcurious”
Matatandaan na nangahas si Leni na maka-debate ang frontrunner ng survey na si Bongbong at inanunsyo niyang hindi siya sasali sa presidential panel interview na inorganisa ng Comelec and the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) na nakatakda sa susunod na linggo.

Aniya, “Inaanyayahan ko si Ginoong Bongbong Marcos na makipag-debate, para mabigyan ang taumbayan ng pagkakataong makaharap siya at matanong tungkol sa mga kontrobersiyang pumapilibot sa kaniya. We owe it to the people and to our country. Kung papayag po kayo, anytime, anywhere, darating ako.”
Tinanggihan naman ito ng kampo ni Bongbong at sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, spokesperson ni Bongbong, na naiintindihan nila ang pagkadismaya ni Leni na harapin si Bongbong sa isang debate sa kabila ng kanilang pagkakaiba sa kanilang gustong paraan ng pakikipag-usap sa mga tao.

Naniniwala rin si Atty. Vic na ito ay para sa kapakanan ng mga tao na makita ang mapayapang pangangampanya sa halip na ang magkatunggaling kandidato ay nagsasama-sama.
“Sa debate na hamon kay presidential frontrunner Bongbong Marcos ay hindi ito kailanman mangyayari sa ilang kadahilanan. At batid ni Ginang Robredo ang mga kadahilanang ‘yan,” ani Atty. Vic.
Basahin: Marcos’ camp turns down Robredo’s debate challenge; says it’s never going to happen