Kylie Verzosa nagsalita na hinggil sa breakup nila ni Jake Cuenca

Matapos ang breakup ni Kylie Verzosa at Jake Cuenca ay naglakas loob ang aktres na makisaya sa star-studded summer launch ng kanyang studio. Makikita namang nakakatawa na si Kylie.

“Happy occasion talaga, sobra. Nahihirapan talaga ako, actually. I was really thinking kung pupunta ba talaga ako today,” ani Kylie.

“My heart is getting better every day. Ang dami kong natututunan sa sarili ko. I’m still trying to find ways to cope. Pero siyempre, masakit pa rin,” dagdag niya.

Nagpasalamat naman si Kylie sa simpatiya ng publiko sa kanila ni Jake.

“The support, the concern have been so overwhelming, at sobra ‘yung pagpapsalamat ko sa lahat. Masakit talaga ‘yung pinagdadaanan namin,” aniya.

Ang solusyon umano ni Kylie para maibsan ang kaniyang kalungkutan ay ang makabalik siya sa trabaho sa tatlo pang film at online projects.

Samantala, kamakailan lamang, sa Instagram Story ng aktres ay nagpahayag ito ng cryptic post matapos kumpirmahin ni Jake na hiwalay na sila. Aniya, “We’re all healing from things we don’t talk about. Be kind to each other.”

Matatandaan namang kinumpirma ni Jake ang hiwalayan nila ni Kylie sa isang Instagram post kung saan ibinahagi niya ang larawan ng miniature nila ng aktres at ng kanilang aso.

“This was us. I’ll hold on to all our precious memories together with so much value. This past 3 years of my life have certainly been the best,” ani Jake.

“I say this with such a heavy heart but me and Kylie have decided to go our separate ways.”

Nangako rin siya na mananatili ang kaniyang suporta para kay Kylie.

“I will still be here to support you because in so many ways I feel a part of your journey and I will always pray for your success. I’m happy we were able to finish this chapter of our lives the same way we started it. As friends,” sabi niya pa.

Basahin: Jake Cuenca kinumpirmang hiwalay na sila ni Kylie Verzosa

Post a Comment

Previous Post Next Post