Birthday message ni Kathryn para kay Daniel Padilla kinakiligan ng mga netizens

Nagdiwang ng ika-27 kaarawan si Daniel Padilla nitong Abril 26 at kinakiligan naman ng mga netizens ang birthday message  ni Kathryn Bernardo para sa kaniyang boyfriend nitong Miyerkules, Abril 27.

Ibinahagi ni Kathryn ang litrato nila ni Daniel sa kaniyang Instagram wall kalakip ang nakakakilig na mensahe.

“Dancing through life with you and enjoying every single step. Remember that you and I are always in sync, and no matter what the music is, there’s no better rhythm than when we’re dancing TOGETHER,” ani Kathryn.

“Happy birthday to my person,” dagdag pa niya.

Sa isang video clip naman, makikitang masaya silang nagsasayaw ni Daniel at makikitang nakangiting nakamasid sa kanila si Joshua Garcia.

Nagkomento naman ang kanilang celebrity friends na sina Miles Ocampo, Angel Locsin, Ruffa Gutierrez, at iba pa.

Unang nagkakilala at nagkatambal sina Kathryn at Daniel sa teleseryeng ‘Princess and I’ noong 2012 kung saan nagsimula ang tambalang ‘KathNiel’.

Samantala, nagbigay rin ng mensahe ang ina ni Daniel na si Karla Estrada.

Sinabi niya na kahit ulit-ulitin ang kaniyang buhay, pipiliin pa rin niyang maging pamilya ang mga anak niya, at panganay pa rin si Daniel.

“Thank you everyone for greeting my eldest son. Thank you Twitter for the greetings for @supremo_dp,” aniya.

“MALAYA AT MALIGAYANG KAARAWAN SA’YO ANAK, KAYO NG MGA KAPATID MO ANG AKING NGAYON AT BUKAS. ULIT ULITIN MAN ANG BUHAY KO, KAYO PA RIN ANG GUGUSTUHIN KO NA MAGING MGA ANAK AT IKAW PA RIN ANG PANGANAY! I LOVE YOU TO THE MOON AND BACK!”

Binati rin ng mga netizens si Daniel sa kaniyang kaarawan.

“Happyyy Birthdaayy po Supremooo!!  Simula Grade 3 palang ako idol na kita at ngayon college na ako hindi pa rin nagbabago ‘yun!  Sana good health ka lang palagi at more blessings to come. Maraming kaming nagmamahal sayo!”

“Your relationship with each other is always so inspiring. Happy Birthday @supremo_dp!”

“Happy Birthday @supremo_dp. Mahal na mahal namin kayong dalawa.”

“Happy birthday dij. Your silent number one fun since day one stay strong sa inyo ni kath.”

Post a Comment

Previous Post Next Post