Martial Law docu ni Rico lumutang matapos sabihin ni Claudine na BBM supporter ang late actor

Marahil ay nawala na sa isip ng iba ngunit minsang naging host ng isang Martial Law documentary ang late actor na si Rico Yan. Ang video ng nasabing documentary, muling lumutang sa social media matapos sabihin ng ex-girlfriend niya na si Claudine Barretto na isa siyang “true blooded Marcos supporter” noong siya ay nabubuhay pa.

rico claudine

Sa Instagram, nagpahayag kamakailan ng suporta ang actress-politician para sa presidential candidate na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., anak ng dating pangulang Ferdinand Marcos . Hindi ito nagustuhan ng ilang fans ni Rico, na nagsabing hindi ikatutuwa ng late actor ang pagpanig ni Claudine sa nasabing kandidato kung narito pa ito. Dito, sinabi ni Claudine na supporter ng mga Marcos si Rico.

rico claudine

Bunsod nito, nahanap din ang video ng documentary ni Rico na naka-upload sa YouTube. Ito ay unang umere noong 1999 at muling ipinalabas matapos ang kanyang biglaang pagpanaw noong 2002.

 

rico claudine

Sa nasabing video, sinabi ni Rico na, “Ipinangako ni Marcos ang isang bagong lipunan, parang isang fantasy land, at si Marcos ang bidang superhero. He was the judge, jury, and executioner.”

Nakausap din niya si Satur Ocampo, isang political prisoner noong Martial Law era, kung saan nabanggit nito na ang lolo ni Rico na si dating Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Manuel Yan, Sr. ay tutol din sa pagpapatupad ng Martial Law, “Ang lolo mo, si Gen. Yan, did not believe that Marcos needed to declare Martial Law, kaya umalis siya. Iba ‘yong kaniyang pagtingin; hindi pareho ng kay Marcos. It turned out later that he was correct.”

Gayunman, hindi na raw mahalaga kung kanino nakapanig si Rico, saad ng ilang social media users. Matagal na raw itong namayapa at nararapat lamang bigyan ng katahimikan at hindi na isali pa sa mga usaping katulad ng politika.

Post a Comment

Previous Post Next Post