1983 na lumang resibo ng fast food chain birthday party package na wala pa sa P500, kinaaliwan ng netizens

Memories na kay sarap balikan? Isama mo na diyan ang mga panahong tila ang mumura pa ng mga bilihin!

Dinagsa ng komento ng mga netizens ang larawan ng lumang resibo ng isang fast-food chain na nai-post ng netizen na si Cheryl Ann noong March 31, 2022 sa Homepaslupa Buddies 3.0 Facebook page.

Ang petsa ng resibo ay Setyembre 16, 1983. Sa detalye ng resibo ay makikitang bayad ito para sa isang birthday party.

Five years old pa lang noon ang fast food chain na nagsimula bilang isang maliit na restawran.

Ayon sa reply ni Cheryl sa isang nagkomento, isang tita niya ang nag-celebrate ng birthday noon. Sa ngayon ay 69 years old na umano ang kanyang tita.

“Actually hindi sinabi ng tita ko na siya ang magbe-birthday akala nila anak niya pero siya ang celebrant, nagulat mga crew nung nalaman nila na hindi bata ang magbe-birthday on the day of the party. Btw..69 na siya as of the moment.”

Agaw-pansin sa resibo ang nakasaad na presyo na PHP427.35 para sa isang birthday party. Napa-throwback naman ang mga nagkomento sa resibo.

May nagbiro pa na dahil mura pa ang mga ino-order, payat pa noon ang mascot. At dahil mura pa ang party packages, kahit araw-araw ay puwedeng mag-birthday party.

‘Yung iba naman, wala pa raw sa earth o kaya ay kapapanganak pa lang noong 1983.

Paliwanag naman ng ibang nagkomento, hindi masasabing mura ang presyo sa resibo.

“Mahal yan nuong panahon na ‘yan, 15 to 20 pesos lang ang sahod ng regular na manggagawa sa isang araw nung 1983. Sana binayaran nya na ng buo yan kung mura lang.”

“19 pesos ang basic rate noon 1983. 427 pesos eh malaking halaga na yan non. Kung i coconvert yan sa panahon ngayon yang 427 pesos ay 12,000 pesos ngayon.”

“Alam mo ba nung time na yan, ang nakakapag Jollibee lang ay ‘yung mga nasa lower middle to upper class people? I remember nung HS ako, hindi ako makakain sa ganyan kung hindi libre ng classmates kong nakakaaangat sa buhay. ‘Lamang ang may alam.'”

Post a Comment

Previous Post Next Post