Mocha Uson kay Toni Gonzaga: ‘Ang Malacañang ay pag-aari ng bawat Pilipino’

Sinagot ni Mothers for Change partylist first nominee Mocha Uson ang pahayag ng aktres na si Toni Gonzaga na malapit nang bumalik sa Malacañang, ang kaniyang ‘tahanan’, si dating Sen. Bongbong Marcos.

Sa ginanap na grand rally ng UniTeam sa Cebu kamakailan kung saan nagtanghal si Toni, sinabi niyang nagulat siya sa dami ng taong dumalo.

“Konting-konting panahon na lamang at magbabalik na si BBM sa kaniyang tahanan, ang Malacañang,” sabi ni Toni.

Ngunit paliwanag ni Mocha, ang Malacañang ay hindi tahanan kundi opisina ng mauupong pangulo.

“Gusto ko lang pong magkomento dito sa sinabi ni Ms Toni Gonzaga. Alam mo, ma’am, hindi maganda ‘yang sinasabi ninyo. Napaghahalataan na wala po kayong alam sa public service,” panimula ni Mocha sa isang TikTok video.

Dagdag pa niya, si Pang. Rodrigo Duterte ay hindi ganito ang paniniwala.

“Si Pang. Duterte nga po ay sinasabi niya na ang Malacañang ay kaniya lamang opisina, hindi po niya ito tahanan. Ito ay pag-aari ng taumbayan,” ani Mocha.

“At para sabihin mo na babalik na sa kaniyang tahanan sa Malacañang si Marcos ay parang sinabi mo na rin po na diktador ang kanilang pamilya na ginawa na talagang tahanan ang Malacañang noon. Umalis lang saglit at ngayon ay babalik muli para angkinin ito.”

Hirit ni Mocha, ang Malacañang ay hindi pag-aari ng mga politiko kundi ng mga Pilipino.

“Paalala lang po: Ang Malacañang ay pag-aari ng bawat Pilipino. Ito ay opisina lamang ng public servant ng ating bayan. Sana po, ma’am, matuto kayo sa mga sinasabi ni Pang. Duterte,” pagtatapos niya.

@mochausonofficialAng Malacañang ay opisina hindi tahanan

♬ original sound – mochauson

Bago madalas makita sa mga sortie ng tandem nina dating Sen. Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte ay main host si Toni ng Pinoy Big Brother Reality Show.

[RELATED: Toni Gonzaga nagpaalam na sa PBB]

Nagpaalam si Toni sa PBB matapos ang kontrobersyal niyang pag-host ng proclamation rally kung saan naroon si Rep. Rodante Marcoleta na isa sa mga bumoto laban sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Post a Comment

Previous Post Next Post