Taliwas sa ibang celebrities na sobrang fit at halos perpekto na ang hitsura sa mga litratong ibinabahagi nila sa social media, proud pang ipinakita ng actress-entrepreneur na si Neri Naig ang kanyang cellulite at puson.
Sa isang Instagram post, masaya pang ibinahagi ni Neri sa publiko ang kanyang flaws; bagay na naging dahilan para magdala siya ng inspirasyon sa mga taong nai-insecure sa kanilang mga imperfection.
“Oh, hello, cellulite at puson,” saad niya sa caption ng litratong kuha sa Pico de Loro Beach and Country Club.

Marami ang na-inspire sa post ni Neri at ikinatuwa ang pagpapalaganap ng aktres ng body positivity. Anila, mahalaga ang ginawang ito ni Neri dahil bilang isang public figure, malaki ang impluwensya ng mga kagaya niya sa mga ordinaryong tao.
Neri nakadi-discover ng potential talents
Samantala, bukod sa body positivity, hinahangaan din si Neri sa pagiging appreciative nito sa beauty. Matatandaang mayroon na itong mga nadiskubreng potential showbiz talents sa mga simpleng pagkakataon.
Ang isa ay si Kim, isang dalagita na nakita lamang ni Neri sa social media post matapos itong maging muse ng isang basketball team. Hinanap siya ni Neri at tinulungang makapagsimula sa industriya sa pamamagitan ng talent management nila na TalentMarketers. Sa ngayon, marami na ang nakapila para sa dalagita.

Si Mariella naman, isang nine-year-old na bata, ay nadiskubre niya habang naggo-grocery.
“Ang daming magaganda sa Alfonso! Nag go-grocery lang ako kanina at may nakasalubong akong magandang bagets. I asked her parents kung puwede kong piktyuran at ipapakita ko ‘ka ko sa management,” kuwento niya. “This is Mariella, she’s nine. She is half-Pinay, half Croats. She speaks Croatian, English, and Tagalog. Soon, ipresent ko rin si Mariella sa TalentMarketers Inc. Kasama ng parents niya, of course, kagaya ng ginawa ko kay Kimberly C. Varias na ngayon ay talent na ng same management ko.”
