OFW sinurpresa ang anak sa kaniyang pag-uwi; Misis sinurpresa din sa pamamagitan ng proposal

Nagpanggap umano ang amang OFW na si Mc Gerald bilang isang Shopee delivery rider upang surpresahin ang kanyang anak na limang taon niyang hindi nakasama. Sa pag-uwi nito sa kanilang bahay ay may dala itong parcel.

Naisip ni Mc Gerald at ng kanyang asawa na si Maurine Cerera Ramos ang surpresang ito dahil alam nilang palaging nasasabik ang kanilang anak sa pagbubukas ng mga parcel na ino-order ng ina kahit na hindi kanya ang mga ito.

“Kasi ‘yung anak ko, lagi excited ‘pag may parcel akong dumadating, kahit hindi sa kaniya. Tapos before, 1 week usually kasi dito dumadating ‘yung parcel, nag-suggest ako um-order kami ng mahal na mystery box kasi gustong-gusto niyang magka-cellphone,” kuwento ni Maurine sa isang PhilStar feature.

Nagsimulang umiyak si Timothy, ang 9-year-old nilang anak, dahil hindi niya kasi alam kung paano babayaran ang dumating na parcel sa kanilang bahay. Biro ng ina ay wala daw itong pambayad.

“Walang pambayad eh, um-order sa Shopee,” pagbibiro ng isang Ale.

“Ipapa-barangay ka daw. May pulis pa naman diyan sa labas. ‘Yung nasa taas napa-barangay dahil walang pambayad sa J&T,” dagdag pa niya.

Dahil nga walang pambayad si Timothy, sinabi ng ina nito na siya na ang magbabayad. Sinabi rin ng ina na magpa-picture kasama ng delivery rider.

Tumabi si Mc Gerald sa anak upang mapicture-an sila. Maya maya lamang ay hinubad na nito ang kaniyang helmet at pagharap ng anak sa kaniya ay agad naman siyang nakilala nito at niyakap nang mahigpit.

Sobrang saya ng mag-ama dahil sa wakas ay nagkita na silang dalawa pagkatapos ng mahigit limang taon.

Pero hindi pa dito natapos ang surpresa ni Mc Gerald. Bigla siyang lumuhod sa harap ng kaniyang partner at naglabas ng singsing saka nag-propose dito. Hindi naman inaaasahan ni Maurine na gagawin ito ni Mc Gerald sa araw mismo ng kaniyang pag-uwi.

Talagang napakaespesyal ng araw na iyon para sa kanilang pamilya.

“Nagsabi na siya sa’kin nung February at nasa isip ko na din na ikakasal na kami, pero hindi ko in-expect na magkaka-idea ang asawa ko ng surprise na ganun kasi ang anak ko lang dapat talaga ‘yun.”

Ikinasal ang mag-asawa sa isang civil wedding noong Marso 18, 2022 sa Talisay, Batangas.

Ilang netizens naman ang hindi napigilang magkomento dahil sa surprise ng ama.

“Its very emotional when their son was shocked to see his father and immediately he poured out his feeling and called him ‘Daddy’ embracing his father with happiness. I was touched in this moment. Thanks.”

“Long distance relationship works if their is love and trust in God is their present in your relationship.”

“Soo happy for this family…I admire the father who made a big effort to surprise his son and wife.

Panoorin ang heartwarming na eksena:

Aba, nakaabot na rin sa Kapuso ang kanilang kuwentong pampa-good vibes!

Post a Comment

Previous Post Next Post