Sharon Cuneta labis ang saya nang makita sina Kim Molina at Jerald Napoles sa Pasay grand rally

Ibinahagi ni Kim Molina sa kaniyang Instagram account ang reaction video ni Sharon Cuneta sa mismong sandali nang magkita sila sa rally sa Pasay noong Abril 23.

Makikitang tunay na masaya si Sharon nang makita sila at binigyan niya si Kim ng napakahigpit na yakap.

Si Jerald ang kumukuha ng video at niyakap ni Sharon ang dalawa at ngumiti sa camera.

“Nagkita na rin kami sa wakas! We love you our @reallysharoncuneta!!” ani Kim sa kaniyang caption.

Nag-post din si Kim ng larawan nila ni Jerald, malapit sa stage ng Pasay rally. Aniya, “Paninindigan at pagmamahal. Para sa bayan. Para sa ating kinabukasan.”

“Nag-suri. Kumilatis. Pinag-aralan. Pinakiramdaman. Ang pag-asa ay tinatanaw at binabantayan. EHEMPLO para sa mga susunod na henerasyon ang aking basehan. Walang pagbatikos sa mga ibang paniniwala bagkus, nangangarap ng pagkakaisa. Walang galit sa puso ngunit may pag-aalab sa prinsipyo. Tayo ay Pilipino. Tayo ay hindi susuko. Mabuhay tayong lahat! Panalangin at pagmamahal,” dagdag niya sa isa pa niyang post.

Bago ang grand rally ay ibinahagi rin ni Kim ang video niya kasama sina Jerald, at real-life Darna Angel Locsin

Makikita silang naglalakad patungo sa Pasay rally venue nina VP Leni Robredo at Sen Kiko Pangilinan. Naglalakad silang tatlo sa gilid ng kalsada, at binigyang-diin ni Kim kung paano pinili ni Angel na ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng pagdalo sa rally.

“Bday party = Papuntang grand rally Ganyan si atiko Darna @therealangellocsin,” aniya.

Sinabi niya na tulad ni VP Leni, mas gugustuhin ni Angel na makasama ang mga tao upang manindigan para sa ikabubuti ng bansa.

“Tulad ng ating mam @bise_leni, mas piniling makasama ang lahat at tumindig sa ikauunlad ng ating bansa.”

Inihayag rin ni Kim kung gaano siya ka-proud kay Angel.

“Always proud to be your kimmy karaoke on-the-go! Lablab you my ate bday girl Darna! Happy birthday to you and our President Mam Leni!”

Post a Comment

Previous Post Next Post