Teddy Locsin suportado si Robin Padilla: 'He's the real thing'

Nagpahayag ng kaniyang suporta si Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin sa kandidatura ni Robin Padilla na tumatakbong senador sa ilalim ng PDP-Laban at kabilang rin sa lineup ng UniTeam ni Bongbong Marcos.

Sa kaniyang tweet nitong Lunes, tiniyak ng kalihim na iboboto niya ang action star na tinaguriang ‘Bad Boy of Philippine Movies’.

“I’ll vote for Robin Padilla; not asking anyone else to. He’s my friend; they’re not his; their loss,” ayon kay Locsin.

Dagdag pa ng kalihim, nasubaybayan niya ang karera at buhay ni Robin kaya humanga siya rito. Dahil dito, ay umaasa si Locsin na papalarin ang aktor na makapasok sa Senado sa darating na halalan.

“I’ve watched his life and career with admiration. He’s the real thing. I hope he makes it,” patuloy ng tweet ng kalihim.

“He can count on me for the rest that’s outside politics and a whole lot tougher,” dagdag pa ni Locsin.

Higit pa sa isang aktor lamang

Si Binoe, na kilalang pro-administration, ay isa sa mga senatorial candidates na ineendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nitong nakaraang araw, nag-guest pa ang aktor sa ‘The President’s Chatroom’ ng Pangulo kasama ang kapwa-senatorial aspirant at dating tagapagsalita ng Malakanyang na si Atty. Harry Roque.

Dito ay puring-puri ng presidente si Robin dahil sa adbokasiya nito para sa mga kapatid niyang Muslim sa Mindanao.

Ayon kay Pangulong Duterte, napatunayan ni Binoe na higit pa siya sa isang aktor dahil sa pagnanais niyang matulungan ang mga Pilipino at ang bansa.

“Ang nakikinig sa atin ngayon, kayong mga Pilipino, more than just being an actor — huwag na, itabi na natin ‘yan — kung may pelikula ka man, extra ano na lang ‘yan,” papuri ng Pangulo.

Napag-usapan rin sa naturang panayam ang dating naging kaso ni Robin noon hanggang sa siya ay mabigyan ng presidential pardon ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Sana nga raw ay mabigyan ng pagkakataon si Binoe na maluklok sa Senado upang mapatunayan nito ang kaniyang tapat na hangarin para sa kaniyang mga kababayan.

Panoorin ang The President’s Chatroom:

Post a Comment

Previous Post Next Post