Muling nakipagkaisa ang kandidato sa pagka-bise presidente na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa kaniyang mga ‘kababayan’ sa isang grand rally sa Cebu City Sports Center noong, Abril 2.
Dito ay nakuha niya ang pormal na pag-endorso ng nangungunang political party na Bando Osmeña Pundok Kauswagan (BOPK). Ito ang unang grand rally ng partido ng oposisyon sa lokalidad.
“I have come again to this beloved city to meet my fellow Cebuanos. I traced my roots here. My lola used to sell fish at the Carbon Public Market and my lolo used to be a kargador in the pier area. We have relatives who are still living here in Cebu City,” ani Sen. Sotto.

Sa grand rally na ginanap noong Sabado ng hapon ay naging panauhin ang mga Eat Bulaga artists bilang mga special guests.
Kinaumagahan, araw ng Linggo, ay nagdaos ang grupo ng isang Zumba event kasama ang maybahay ni Sen. Sotto na si Helen Gamboa Sotto at iba pang Eat Bulaga Stars.
Nagbahagi ang SunStar Cebu Facebook page ng ilang larawan:
Matatandaan namang pinagbawalan ng Cebu City police ang mga taong mababa sa 4 feet ang height sa ginanap na grand rally.
Ilang tagasuporta ng BOPK ang nagpahayag ng pagkabahala sa height requirement ng pulisya sa social media. Maging ang retiradong Comelec commissioner na si Rowena Guanzon ay nagsabi sa isang tweet na ito ay “discriminatory.”

Sinabi ni Police Lieutenant Colonel Wilbert Parilla, deputy operations director ng Cebu City Police Office, sa Rappler na sinisigurado lamang nila ang kaligtasan ng mga sibilyan, lalo na ang mga bata.
“The 4 feet policy, agreed with the organizers and the government agencies, is for the safety, not for the discrimination of, but for the safety of every participant,” aniya.

Ipinaliwanag pa ni Rowena sa isang video na ipinadala sa Rappler ng legal counsel ng BOPK na si Amando Virgil Ligutan na hindi dapat isama sa patakaran ang mga nasa hustong gulang na mababa sa 4 feet ang taas.
“Wala namang magdadala ng bata doon. ‘Di naman p’wede na bawalan mga 16 years old eh kung gusto nila mag participate, gusto nila makinig, that’s also their right even if they are not yet voters,” ani Rowena.
Ayon kay Virgil, ang patakaran ay nagtatakda ng isang delikadong precedent. “So what’s next? A height requirement before our people can vote on election day?” aniya.