Creative OOTD ni Baby para sa photoshoot gamit ang mga dahon ng niyog hinangaan

Isang kakaibang theme para sa ikatlong buwan na photoshoot ni baby Princess Raymundo ang inihanda ng kaniyang mother dear. Look! Suot nito ay ternong crop top, palda, bag, head band, at sandals na gawa sa dahon ng coconut tree.

Pinoy na pinoy talaga ang datingan ni baby ah! Makikita sa larawan na talagang pinag-isipan ng kanyang mommy ang diskarteng gagawin sa OOTD ng kanyang sanggol.

Sinabi ng nakilalang si Mommy Neljirose Raymundo na taga-Magpet, Cotabato na gusto raw nila na maging unique naman ang photoshoot ng kanilang anak at matipid pa.

Tama nga naman. Sa panahon ngayon kailangang maging praktical at lahat ng paraan ay gagawin mo upang makatipid.

Si Neljirose ay nagpasalamat sa kanyang ama na suportado ang kanyang pinlano dahil ito pa raw ang matiyagang kumuha ng mga dahon ng niyog.

“Hindi naman po kami nahihirapan sa paggawa ng OOTD ni baby. Natutunan namin ang paggawa ng ganyang disenyo sa turo ng mga lolo at lola namin nuong unang panahon kasi ganyan ang ginagamit nila pang-dingding at atip ng bahay, kaya naisipan ko na gayahin para sa OOTD ni baby,” ani Neljirose sa isang Kapamilya story.

Noong ikalawang buwan ni baby ay dahon naman ng saging ang naging outfit ni Princess.

Dahil creative ang mga magulang ni Princess ay may naisip na rin daw silang  susuotin para sa susunod na photoshoot.

Kakanin Baby Photoshoot

May isa pang nanay ang hindi nagpahuli sa kakaibang paandar para sa monthly milestone ng kanyang anak na si Babyngka o si Jada.

Hilig n’yo ba ang kakanin? Kaaaliwan n’yo ang monthly photoshoot ng baby na ito sapagkat iba’t ibang Pinoy delicacy ang kanyang theme sa bawat buwan.

Napakacute naman ng baby sa kanyang kakanin outfit, nakatatakam!

“Nag-suggest po ‘yung family ng husband ko na kakanin po ‘yung gawin namin since na wala pa pong nakakagawa nun at mahilig din po ‘yung family namin sa kakanin.” aniya sa panayam ng GMA news noong Enero taong kasalukuyan.

Trending din sa TikTok ang mga videos ng baby kung saan ay ipinakikita kung paano gawin ang nakaaaliw na ideas sa #BabyKakanin na umaabot pa ng mahigit million views.

@mearahtria 4 more months! More kakanin suggestions please!! 😂😂 #fyp #foryou #foryoupage #babykakanin #trending #craving ♬ Atin Ko Pong Sing Sing (Our Ring) – Manila Serenaders

Post a Comment

Previous Post Next Post