Wilbert Tolentino proud sa mga alagang palaban, Herlene at Madam nagpasalamat

Proud na ibinahagi sa social media ng talent manager na si Wilbert Tolentino ang mga tagumpay na naabot ng kanyang dalawang alagang sina Daisy ‘Madam Inutz’ Lopez at Herlene ‘Hipon Girl’ Budol ngayon sa kanilang career.

Iba man ang yapak na kanilang tinatahak ay pareho naman ang layunin nina Madam Inutz at Hipon sa buhay — ang maabot ang mga pangarap at para sa pamilya.

“Tingnan nyo nga naman PBB at BBP”

“Madam Inutz & Herlene Hipon Budol”

“STAR MAGIC & SPARKLE!!!”

“Pinagtagpo at tinadhana! Ang mga alaga kong palaban! Nagsimula sa wala, pero hindi natakot sumubok sa oportunidad ng tadhana.”

“Magkaiba man ang naging laban nila sa patimpalak na ito, iisa lang layunin nila, ginagawa nila ito para sa pamilya nila. Manalo man o matalo. Dahil ang realidad ang tunay na hamon ng buhay!” ani Wilbert.

Pagkatapos nito ay hindi rin naman nagpahuli sina Madam at Herlene na grateful sa kanilang talent manager sa kanilang tinatamasa ngayon at sa mga oportunidad na ipinagkaloob nito sa kanila.

Si Hipon ay nakilala nang maging contestant sa Wowowin at naging dancer pa. Dahil sa pagkakuwela kaya naman minahal siya ng kanyang mga fans.

Sa ngayon, artist na rin siya ng Sparkle GMA Artist Center. At ang latest nga kay Hipon Girl ay pasok na siya sa top 40 ng Binibining Pilipinas 2022.

Si Madam Inutz naman ay sa kakaibang pagbebenta online nakilala at kinagiliwan naman ng kanyang mga miners, hanggang sa mapunta siya sa pangangalaga ni Wilbert bilang manager at dito na siya nagkaroon ng sariling awitin at bahay.

Hindi lamang ‘yun. Pinalad din si Daisy na makapasok at mapabilang sa Top 5 ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.

Pagkalabas niya, kaliwa’t kanang guesting sa ABS-CBN shows ang ginawa niya. Sa ngayon, kabilang siya sa sweetcom na ‘My Papa Pi’ nina Piolo Pascual at Pia Wurtzbach.

 

Post a Comment

Previous Post Next Post