Xian Gaza sumagot kay Kit Thompson hinggil sa 'stop spreading misinformation' nito

Sumagot si Xian Gaza sa aktor na si Kit Thompson matapos siyang sabihan sa post na “stop spreading misinformation” tungkol sa kanyang viral blind item sa Facebook.

Ibinahagi ni Kit ang nasabing post sa kaniyang Facebook page noong Martes, Marso 29. Ang blind item naman ay ipinost ni Xian noong Marso 19; isang araw matapos ang umano’y pag-detain at pananakit ni Kit sa girlfriend.

Ang comments section ng nasabing post ay tinurn off ng aktor.

Ayon sa viral blind item ni Xian, isang continental girl ang pumunta umano sa Amanpulo kasama ang isang mayamang Chinese guy kapalit ng P250,000, na kalaunan ay natuklasan umano ng nobyo ng dalaga.

Naniwala ang ilang netizens na ang tinutukoy ng blind item ni Xian ay ang pagbubuhat ng kamay umano ni Kit sa kanyang girlfriend na si Ana Jalandoni dahil sa selos.

Gayunpaman, itinanggi ni Xian na ang kanyang blind item ay tumutukoy sa kontrobersya nina Kit at Ana. Ipinaliwanag niya na ang kanyang post ay tungkol talaga sa kanyang kapitbahay sa Bangkok, Thailand na may “spongkey.”

Higit pa rito, sinabihan ni Xian si Kit na huwag na siyang isangkot sa isyu nila.

“Official statement of Xian Gaza to Mr. Kit Thompson: Hindi ko alam ‘yung mga sinasabi mo. Wala akong alam diyan.”

“Ang tinutukoy ko sa aking mga posts ay ‘yung kapitbahay ko sa Bangkok na may spongkey. Huwag mo ako idamay sa gulo niyo please lang,” ani Xian sa kaniyang post.

Samantala, agaw pansin sa Facebook ang mga litrato ng aktor na si Joshua Garcia na kasama ang isang babaeng miyembro umano ng Ateneo Basketball team.

“Joshua, kung alam ko lang na type mo pala ‘yung mga itsura ko eh sana matagal na kitang inawrahan,” pm ng businessman kay Joshua

Basahin: ‘Akala ko ako’: Xian Gaza naaliw sa mga kumakalat na larawan ni Joshua na may kasamang atleta

Post a Comment

Previous Post Next Post