Natagpuan na ang 19-anyos na babaeng naiulat na nawawala noong Marso 22, 2022. Kasama umano nito ang kanyang kasintahan sa bayan ng Tabogon, hilagang Cebu noong Miyerkules ng gabi, Marso 30.
Nahanap ng mga tauhan ng Consolacion Police Station si Jherica Auman sa Barangay Manlagtang, bayan ng Tabogon sa hilagang Cebu noong Miyerkules ng gabi, Marso 30, 2022.
Taliwas sa mga ulat na diumano ay kinidnap siya, bumisita si Jherica sa bayan upang makipagkita umano sa kanyang kasintahan na si Herbert Berdin.

Pagdating ng mga pulis sa lugar, naabutan nila si Jherica na nanonood sa kanyang nobyo na naglalaro ng basketball.
Iniulat ng kaniyang ina na si Marifel ang umano’y pagkidnap sa kanyang anak noong Marso 22, nang hindi ito umuwi sa kanilang bahay sa Barangay Tayud, bayan ng Consolacion.
Sinabi ni Marifel sa SunStar Cebu na ang kaniyang anak at si Herbert ay naging magkasintahan isang linggo bago ang insidente.
Naalala niyang napahiya ang kanilang anak matapos siyang pagalitan ng kaniyang ama dahil sa pakikipagrelasyon kay Herbert, na inakusahan nitong sangkot sa ilegal na droga.

Muling pinagalitan si Jherica ng kanyang ama nang pumunta sa kanilang tahanan ang ilang lalaking nagpakilalang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas upang hanapin siya; dahilan upang pumunta siya sa Lapu-Lapu City para makipagkita sa kanyang nobyo.
Nagsimulang mag-alala si Marifel nang mag-message sa kanya ang kanyang anak na naroon sila sa isang lugar na hindi siya pamilyar.
Nagsabi rin umano siya sa kanyang ina na gusto na niyang umuwi ngunit hindi niya magawa dahil wala siyang pera.

Kalaunan ay inamin ni Jherica sa kanyang ina na hindi siya kinidnap.
Sinabi nito sa kanyang ina na pumunta sila ng kaniyang nobyo sa Barangay Calawisan sa Lapu-Lapu City para mamasyal, ngunit kalaunan ay nag-away sila pagkatapos ng inuman.
Sa kanilang pagtatalo, nagtulakan umano ang magkasintahan hanggang sa mahulog sila sa isang mababaw na bangin bandang hatinggabi.
Inamin niya na hindi siya pamilyar sa lugar na kanilang kinaroroonan, na nagresulta sa pagmemensahe niya sa kanyang ina.
Nahanap umano ng mga local police ng Consolacion ang magkasintahan sa pamamagitan ng isa nilang kaibigan na si Ramil Tumulak.
Sa isang hiwalay na panayam, sinabi ni Col. Engelbert Soriano, head ng Cebu Police Provincial Office, na hindi sila makapaghahain ng ano mang reklamo laban sa nobyong si Berdin.

Samantala, bumuhos ang saloobin at komento ng netizens sa pangyayaring ito. Sino’ng ina ba naman ang hindi mag-aalala kung nawawala ang kanyang anak, ‘di ba? Ke paslit man ‘yan o malaki na.
“Love your mother, because you only have one though respect them for your own goodness in life. Don’t be desperate teen to be in a relationship, it will come to you at the right time.”
“The ball is round… It will turn in your time.. You will be a mother soon…. Good luck.”