Zeinab sa namåyapång anak na si Moon: 'Mahal na mahal ka namin ni Ate Bia mo'

Isang nakalulungkot na balita ang gumulat sa mga fan ng vlogger na si Zeinab Harake matapos ibahagi ng Internet sensation sa publiko ang pagpanaw ng kanyang bunsong anak na si Moon.

Sa Twitter, isang emosyonal na tagpo ang ibinahagi ni Zeinab, kung saan makikitang karga niya ang kanyang anak na si Zebbiana o Bia habang nakatayo sa tabi ng abo ni Moon.

“My baby boy, rest ka na. Mahal na mahal ka namin ni Ate Bia mo. Bantayan at palakasin mo kami palagi. ‘Di ka mawawala sa puso namin, Moon. Be our forever angel. Mommy loves you so much,” wika ni Zeinab sa caption ng litrato na may nakasaad na petsang “04-11-22”.

zeinab

Sa isang litrato ay makikita rin si Zeinab na hinahalikan ang pinaglalagyan ng abo ni Moon; isang nakaaantig na eksena na lalong nagdala ng lumbay sa mga sumusubaybay sa kanya.

“It pains me to see you in deep pain, Mahal @ZeinabHarake11, but I know you will overcome this! Our Moon will always be with you, behind you, guiding you,” tweet ng user na si @EnchatedMoon. “Ipanalo natin to, ate ko. Mahal ka namin.”

zeinab

“Pakatatag ka po, Ate, alam ko na mahirap ‘yon kase hindi madali mawalan ng anak pero need mo maging malakas, Ate, para kay Bia at para sa pamilya mo. We hope that someday your heart will be healed and we’ll see your sweet smile again. I love you,” wika ni @jeonjkk72772658.

“Kaya mo ‘yan, Mi,” wika naman ni @NichaellahJoy. “Dito lang kami para sa’yo.”

Samantala, ibinahagi rin ni Zeinab na kaya niya pinangalanang Moon ang sanggol ay dahil nahilig siya sa buwan noong simula ng taon, bagama’t wala raw siyang ideya na nagdadalantao siya.

zeinab

Matatandaang Mayo noong nakaraang taon nang isilang ni Zeinab ang anak nila ni Skusta Clee na si Bia.

Post a Comment

Previous Post Next Post