Pacquiao umaasang mahihirap ang maghahatid ng kanyang panalo sa Eleksyon 2022

Hindi nababahala sa mga endorsement para sa mga karibal niyang kandidato sa pagkapangulo, sinabi ni Senador Manny Pacquiao noong Miyerkules na ang mga botante mula sa mahihirap na bahagi ng lipunan ang  maghahatid ng kanyang panalo sa Eleksyon 2022.

“Alam mo dito sa eleksyon na ito ‘yung mga politician, ‘yung mga nasa position, iba ang sinusuportahan, nagkakaisa sila, iba ang sinusuportahan. ‘Yung mga malalaking company iba ang sinusuportahan. Pero ‘yung mga mahihirap iba naman ang sinusuportahan. At ‘yung mga mahihirap alam ko kay Manny Pacquiao nakasuporta,” wika ni Pacquiao sa media.

Hiningan ng komento si Pacquiao sa kamakailang pag-endorso ng provincial political party sa Cebu ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi ni Pacquiao na hindi siya nakikipag-negosasyon sa mga kasalukuyang opisyal para sa suporta upang maiwasan ang mga pagkakataon ng mga opisyal na ito na humihingi ng pabor kung sakali na siya ay mahalal sa pagkapangulo.

“Hindi ako masyadong nakikiusap sa mga incumbent na sumuporta sa akin dahil baka singilin ako pagdating ng panahon. Ang akin ay war against corruption, dito ko ipapakita sa taumbayan na ang bansa natin may pagbabago, ang bansa natin may bagong liwanag,” aniya pa.

Iginiit ni Lutgardo Barbo, isa sa mga senatorial candidates ni Pacquiao, na sinusuportahan ng Progressive Movement for the Devolution of Initiatives o PROMDI, isang partidong politikal na nakabase sa Cebu, ang kandidatura sa pagkapangulo ni Pacquiao.

“Puwede nating sabihin na dapat nating iboto si Manny hindi lang dahil Bisaya siya, kundi sa tingin namin may capability siya at kapani-paniwala at mayroong record na hindi nagnakaw at hindi magnanakaw at hindi nagsisinungaling,” sabi ni Barbo.

Binatikos muli ni Barbo si Marcos Jr., na sinabing ang anak ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos ay isang “registered and judicially-recognized” criminal.

“Bakit sinasabi kong criminal? Kasi dinemanda, nilitis at hinusgahan na kriminal siya. At saka ipinagmamalaki pa na hindi nagbabayad ng buwis noong gobernador siya noong 82, 83, 84, 85,” ani Barbo, na nakaupo bilang vice chairman ng PDP-Laban faction na pinamumunuan ni Pacquiao.

 

“Maling liderato ‘yan. Ang isang liderato kailangan magpapakita na dapat [siyang ]sundin. Eh papaano kung hindi tayo lahat magbayad ng buwis? Eh ‘di patay ang bayan natin,” dagdag pa ni parbo.

Humingi ng komento ang GMA News sa kampo ni Marcos Jr. ngunit wala pa rin itong sagot.

Inilatag ni Pacquiao noong Miyerkules ang kanyang plataporma para sa bansa sa mga residente ng Tangub City sa Misamis Occidental, bago tumuloy sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur kung saan pinamunuan niya ang isang motorcade at rally ng mga tao sa Plaza Luz.

Post a Comment

Previous Post Next Post