Muli na namang nagka-‘bardagulan’ sina Luis Manzano at Alex Gonzaga sa social media. Sa ibinahaging meme ni Luis Manzano sa kanyang Instagram account kung saan pinagkatuwaan ang hugis ng kanyang mukha ay nagkomento si Alex.
Sa meme kasi ay ipinalit sa barkong Titanic ang ulo ni Luis na binaliktad at humirit si Alex na nakaka-offend umano ito sa Titanic.
Bumwelta naman si Luis kay Alex at sinabing ang baba nito ay ang iceberg na nagpalubog sa Titanic. Nakaagaw pansin naman ang mga sagutan nila sa mga netizens. Bilang malapit na magkaibigan, natural na sa dalawa ang matinding biruan sa social media.

Ang dalawa ay matagal na ring magkaibigan at nagkasama na sa ilang proyekto. Talaga nga namang inaabangan ng mga tao sa social media ang kanilang ‘bardagulan’.
Si Alex ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga at kasalukuyang may 12.6M subscribers sa kanyang Youtube.
Ilang netizens naman ang naaliw sa meme na ibinahagi ni Luis.

“Spot the difference ba idol? Ilan ba hahanapin? Kalito naman, parehas na parehas ang pics.”
“Lume-level up na ‘yung version ng hugis mangga look ni kuya Luis. HAHAHAHAHAHA!”
“Mas maganda pagkaka hulma nung barko sa unang pic, mas maganda ‘yung curve.”
“Nakakawala talaga ng stress mga random post mo LODI.”

Isa naman sa mga bagong kaibigan ni Alex ang senator na si Loren Legarda at ito ay ibinahagi ng senadora sa kanyang IG account.
“Alex and Toni, @cathygonzaga @celestinegonzaga new found friends, like sisters, maybe daughters Alex makes us laugh, we make ate Toni sing impromptu.”
Basahin: Senator-elect Loren Legarda calls Alex, Toni Gonzaga her new-found friends
Matatandaan naman na ibinahagi ni Alex ang kanyang karanasan nang mahablutan ng cellphone sa EDSA at nabawi rin naman ang kanyang cellphone at mas minabuti niyang patawarin na lang ang snatcher.
Panoorin.
View this post on Instagram