Angel Locsin, nagbigay-pugay kay Susan Roces: 'Ang respeto at paghanga ko sa kanya ay napakataas'

Ikinalungkot ng maraming netizens ang pagkawala ng beteranang aktres na si Susan Roces, lalo na ng mga taga-showbiz industry.

Kabilang si Angel Locsin sa mga nagbigay-pugay sa movie queen. Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang isang klasikong larawan ni Susan kasama ang yumaong asawa nito na si Fernando Poe Jr. na tinaguriang King of Philippine Movies.

Nilagyan niya naman ito ng caption na, “The Queen and The King.”

Sa pamamagitan ng kanyang post, ipinarating ni Angel ang kanyang matinding paggalang sa yumaong aktres. Ikinuwento rin niya kung paano siya nagkaroon ng pagkakataong makapagpakuha ng litrato kasama si Susan noong nagsisimula pa lang siya bilang isang artista.

“Una kong nakita si Ms. Susan sa set ng “Mano Po 2”. Maliit lang ang aking role at nahiya naman akong magpa-picture. Then sa isang sitcom with Tito Dolphy, masuwerte ako na maging guest. Maliit rin naman ang role, pero hindi ko na pinalagpas ang opportunity at nagpapicture na talaga ako! Napaka-totoo, regal, makatao, mahusay, maalaga. Sayang at nag crash ang laptop ko,” aniya.

Sinabi pa niya kung paano niya pinahahalagahan ang lahat ng mga payo na ibinigay sa kanya ni Susan. Ipinaabot din niya ang kanyang pakikiramay sa naulilang pamilya.

“Hindi ako nagkaroon ng mahabang pagkakataon na makatrabaho ang isang Susan Roces, ngunit nabiyayaan ako ng mga sandaling makausap at makasama ang isang reyna. Ang respeto at paghanga ko sa kanya ay napakataas. Ang mga payo at pag-uusap namin ay aking panghahawakan. naalala ko, during mulawin, nagpapadala si tita Susan ng cheese pimiento sandwich for us. Nakikiramay po ako sa pamilya at sa lahat po ng nagdadalamhati ngayon.”

Ang pagkamatay ng ‘Queen of Philippine Movies’  ay kinumpirma ng kanyang anak na si Grace Poe sa Facebook account nito.

Aniya, “With great sadness, we announce the loss of our beloved Jesusa Sonora Poe, whom many of you know as Susan Roces. She passed away peacefully on a Friday evening, May 20, 2022, surrounded by love and warmth, with her daughter Grace, her nephews Joseph and Jeffrey and many of her family and close friends.”

Basahin: Daughter Grace Poe confirms the passing of Susan Roces, the ‘Queen of Philippine Movies’

Post a Comment

Previous Post Next Post