Sa kaniyang Instagram account ay nagpahayag ng mensahe ang aktres na si Angel Locsin para sa mga kapwa Leni volunteers.
“To my fellow Leni volunteers, na-witness ko ang kakaibang passion na ibinigay natin sa eleksyong ito. I am proud to have fought with you to the very end. Huwag kang manghina dahil ibinigay natin ang lahat… na walang pag-aalinlangan. Hindi tayo naging madamot, itinaya ang pangalan at oras. Lumaban kahit mahirap para sa ating paniniwala at sa kapwa. Kahit imposible,” aniya.

“Lumaban tayo hindi para sa isang tao, kundi para sa bayan. Kaya kahit matatapos na ang bilangan. Piliin pa rin natin ang bayan. Piliin pa rin natin ang Pilipinas. Patuloy tayong magpakita ng malasakit at kumilos para sa kapwa. Ipinagdarasal ko na darating din ang araw na makikita natin ang Pilipinas na minimithi. Taas noo,” dagdag pa niya. “Salamat Mam Leni sa inspirasyon.”
Ayon sa latest update sa partial at unofficial na resulta ng mga boto ay makikita si presidential candidate Bongbong Marcos, Jr. na humakot ng botong higit 31M, habang pumapangalawa si Leni na nasa higit 14M naman.

Nitong Mayo 9 ay ibinahagi ng aktres ang kaniyang pagboto kalakip ang isang larawan sa kaniyang IG account na naka-finger heart na nagpapakita ng Electoral ink sa kaniyang daliri.
“Haaay Pilipinas kahit parang ang hirap minsan, kahit parang imposible, pipiliin at pipiliin pa rin kita 🇵🇭. Sinamahan lang si daddy sa may seniors lane, then nagpunta na sa presinto ko. Maraming salamat po sa mga tapat na mga guro na nagbabantay. Mga hindi pa daw kumakain o umiinom makapagbantay lang,” aniya sa kaniyang caption post.
Bago ang eleksyon ay nagbahagi ang aktres ng isang meaningful bible verse mula sa ‘Book of Exodus’ kaugnay sa ‘pag-asa’.

“But select capable men from all the people—men who fear God, trustworthy men who hate dishonest gain—and appoint them as officials over thousands, hundreds, fifties and tens.”
Sa kaniyang caption ay sinabi niyang, “Isa sa mga nabibigay ng eleksyon ay ‘Hope’. Pag-asa sa isang tapat, maunlad, magandang kinabukasan para sa lahat.” She also optimistically wrote, I believe, nagawa na natin ang ating makakaya at oras na para ipaubaya sa Maykapal,” aniya.
“Posting this here bilang guidance sa akin kung paano ako pipili ng mga kandidato na iboboto,” saad pa niya.