Mayroon bang mas magandang regalo sa kasal kaysa sa P1-milyon? ikaw? Nakatanggap ka rin ba ng ganitong regalo sa araw ng iyong kasal?
Parang panaginip lang ano? Pero sa kaso nina Ploy at Paola Bernardo-Garcia, ito ay reality.
Nagkakilala ang dalawa noong 2016 sa pharmaceutical company kung saan nagtatrabaho si Ploy bilang engineer at si Paola naman ay isang intern doon.
Makalipas ang ilang buwan, naging opisyal din ang kanilang relasyon.

Matapos ang limang taon nilang relasyon, noong Hulyo 2021 naman ay nag-propose ng marriage si Ploy kay Paola.
Best Wedding Gift
Ang bride na ito mula sa Bulacan ay nakatanggap umano ng ‘best’ wedding gift mula sa kaniyang groom.
Sa kanilang wedding day ay nakatanggap si Paola ng dalawang passbook na may savings na nagkakahalaga ng tig P500k. Ito ay regalong ibinigay ng kaniyang husband na si Ploy. Hindi umano in-expect ni Paola ang wedding gift ng kaniyang husband dahil pareho daw silang kuripot.

“Savings para sa magiging first baby natin,” ayon sa pagbasa ng bride sa note na kalakip ng passbook na may halagang P500k.
“Second gift ko sa’yo naman savings,” dagdag pa niya at sa isa pang passbook ay makikita ang P500k, na sinabayan ng hiyawan ng kanyang mga abay.
Pagbabahagi naman ni Ploy, “Nag-come up ako sa idea na ganun kasi parang gusto ko maging inspirasyon sa ibang tao. Kasi sa panahon ngayon, dapat maging praktikal tayo. ‘Yung mga blessing na natatanggap natin, dapat ginagamit natin nang tama.”

Ayon kay Paola, kasama na sa P1M ang ipon nilang mag-asawa.
“Savings namin na natira since pinili namin na mag-intimate wedding lang. Then na shock lang ako kasi nagawa lang niyang one million. So ‘yun ‘yung surprise. Hindi ko alam paano niya nasaktong one million,” paglalahad niya sa isang PhilStar feature.
Naging intimate naman ang kanilang kasal noong Enero 16, 2022 na ginanap sa Bulacan at mayroon lamang silang 30 bisita. Umabot lamang umano ng P300k ang kanilang nagastos dito dahil mas gusto pa rin nilang makaipon para sa kanilang kinabukasan.
Ine-enjoy naman ngayon nina Paola at Ploy ang kanilang buhay mag-asawa habang mina-manage ang kanilang negosyo.
Panoorin.
@paobgarciarph Char lang!! Pero pano di maging crying bride pag ganito yung vow? Lol 😆 #weddingvow #intimatewedding #fyp ♬ original sound – Paola Bernardo-Garcia – Paola Garcia