Ni-repost ni Carla Abellana sa kaniyang Instagram Story ang post ng kanyang pinsan na si Sam kung paano naging biktima umano ng mga Marcos ang kanilang pamilya.
“Sam is my cousin. And yes, our Grandfather was detained because the Marcoses wanted our 25-hectare property in Sta. Ana all to themselves,” aniya.
Ang post ng kanyang pinsan na kanyang ibinahagi ay isang salaysay kung paano umano ikinulong ang kanilang lolo noong panahon ng mga Marcos.

“During Martial Law, my grandfather (like many others) was detained against his will. He didn’t do anything wrong or illegal. He just had a good business and some land that the Marcos administration wanted to take over,” saad sa post.
At isa ang lolo niya sa mga “masuwerte” na nakalabas nang buhay. “Tama naman na we can’t change or keep living in the past, but we do have the opportunity to shape a bright future. Tama din that we should respect other people’s opinions, but also, we can’t deny the facts. Doon tayo sa TAPAT. An accountable leader that leads by example – with a track record that speaks for itself. Wag natin palagpasin ‘yung opportunity na ito. Bayan, pumili ka.”

Matatandaang noong Abril 19, unang isinapubliko ni Carla kung sino ang kaniyang sinusuportahang kandidato sa pagkapangulo.
Makikita sa video ang Kapuso actress na may suot na pink na tank top habang naglalagay ng lipstick sa kaniyang labi.
Ang nasabing post ng misis ni Tom Rodriguez ay may kalakip ding hashtag na #LetLeniLead, #LetLeniLead2022, #IpanaloNa10ParaSaLahat.

Marami namang kapwa-celebrities at fellow ‘Kakampinks’ ni Carla ang natuwa at nag-iwan ng komento sa kaniyang post matapos ang rebelasyong ito ng aktres.
Nagbahagi rin siya ng larawan niya na mayroong rosas na bulaklak paikot habang nakasulat ang salitang ‘BABAE’ sa ibaba nito.
Dito ay tahasan na niyang sinabi na siya ay isang ‘Kakampink loud, proud and clear.’
Basahin: Carla Abellana ‘Kakampink’ na rin; may hugot pa hinggil sa ‘diskriminasyon’ laban sa kababaihan