Cristy Fermin sinabing hindi totoo na nagkabati na sina Sheryl Cruz at Sen. Grace Poe

Noong May0 30 ay muling napag-usapan nina Cristy Fermin at ng partner nitong si Rommel ang issue tungkol kina Sheryl Cruz at Sen. Grace Poe.

Sa episode ng Cristy Ferminute, nag-react si Nay Cristy sa sinasabing nagkasundo na ang nasabing magpinsan.

“Nagtataka lang po ako mga kapatid kung bakit at paano nagagawa ng ibang tao na mag-imbento ng k’wento. Katulad po ‘yung ibinabalandra sa isang vlog na nagkabati na raw po si Sen. Grace Poe at si Sheryl Cruz. Fake news po ito,” sabi ng beteranang kolumnista.

Higit pa rito, iginiit ni Nay Cristy na kasalukuyang hindi nag-uusap sina Sheryl at Grace. “Hindi po sila nag-uusap. Wala pong pagkakataon na nagkita sila. Ang totoo pong nagk’wentuhan, nag-usap, nagkalinawan, nagmahalan ay walang iba kundi si Sen. Grace Poe at si Lovi (Poe).”

Paalala naman ni Nay Cristy na huwag agad-agad maniniwala sa mga kumakalat online, “wag po tayo agad-agad naniniwala, mga kapatid, sa mga ganyang kuwento, ‘wag po tayo pabigla-biglang maniniwala. Fake news po ‘yan.”

Matatandaang noong 2015 na  tila may naging tampuhan sa pagitan nila kaugnay sa pagtakbo ni Senator Grace sa pagka-Presidente at may mga nasabi sa press si Sheryl na hindi umano ito sang-ayon sa kandidatura ng pinsan niya.

Kamakailan naman ay nagbigay ng tribute si Sheryl sa kanyang ‘Mama Inday’ Susan sa pamamagitan ng video na ibinahagi nito sa kanyang Instagram account noong Mayo 26 na may caption na ‘Sheryl Sonora Cruz Eulogy For Mama Inday’.

Aniya, “Feeling her motherly love is a blessing to me and a treasure meant only for me that no one else can steal.“

Marami ang naawa kay Sheryl sa narinig na mensahe ng pasasalamat at pamamaalam niya sa kanyang Mama Inday. Pero marami rin ang nagtatanong kung bakit hindi siya nakapagbigay ng eulogy sa mismong burol nio.

Hindi rin umano ito nakasama sa araw ng libing ng tiyahin. Gaya rin ng naging issue noon na hindi siya nakita sa burol ng ama na si Ricky Belmonte.

Panoorin ang video sa 3:50.

Post a Comment

Previous Post Next Post