Duterte sa alok ni Marcos na maging anti-drug czar, 'It is not my time'

Ayon kay Panelo Salvador, tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alok ni President-elect Ferdinand Marcos na maging drug czar sa bago nitong administrasyon.

Sinabi ni dating presidential legal adviser at spokesperson Salvador noong Lunes, Mayo 30, na tinanong niya sang 77-anyos na Pangulo  tungkol dito at ang sagot nito ay “It is not my time.”

Noong Biyernes, sinabi ng Malacañang na maaaring magsilbi si Duterte sa susunod na administrasyon bilang drug czar kung gugustuhin nito.

Sinabi naman ni Communications Undersecretary Kris Ablan na posible ito dahil walang legal na hadlang para tanggapin ni Duterte ang alok ni Marcos Jr.

“Na kay Presidente Duterte na po ang desisyon kung tatanggapin po niya o gugustuhin ba niyang maging drug czar sa ilalim ng isang BBM administration,” ani Ablan.

Ngunit sinabi ng undersecretary na “inaasahan na ni Duterte ang kanyang pagreretiro.”

Noong 2016, inilunsad ni Duterte ang kanyang giyera laban sa droga at nangakong lulutasin ito sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

Gayunpaman, inamin niya noong nakaraang buwan na siya ay nagkamali, at ang kanyang hubris lamang ang nagpilit sa kanya na gumawa ng ganoong pahayag.

Sa kanyang talumpati kamakailan, sinabi ni Duterte na hindi siya basta-basta makauupo hanggang nandiyan pa ang problema sa droga kapag siya ay nagretiro. Baka daw gumawa siya ng paraan para matugunan ang problema kahit bilang isang sibilyan.

Sinimulan na ni Duterte ang pag-iimpake ng kanyang mga gamit sa palasyo pagkatapos ng anim na taon sa panunungkulan, ayon sa ABS-CBN News, na binanggit ang Executive Secretary Salvador C. Medialdea. Ang kanyang termino ay magtatapos sa Hunyo 30.

Post a Comment

Previous Post Next Post