Sa isang panayam ng ilang miyembro ng media kay Jane de Leon ay nagbahagi siya ng ilang tips na sinabi sa kanya ni Angel Locsin habang ginagampanan ng young actress ang kanyang bagong role bilang superhero na ‘Darna.’
Napili ang young actress para sa role matapos umatras ni Liza Soberano sa proyekto dahil sa injury sa kanyang index finger sa paggawa ng pelikula ng isa pang serye, ang “Bagani.”
Sa kanyang maikling pakikipag-usap sa media, sinabi ni Jane na nagbigay si Angel ng ilang tips sa role bilang ‘Darna.’

“May mga binigay naman siya sa ’king mga tips,” aniya.
Sinabihan daw siya ni Angel na dapat maging handa siya sa lahat ng oras. “Siyempre kailangan ko talagang maging handa physically and ready dapat ako anytime,” dagdag ng young actress.
Ibinunyag din ni Jane na pinayuhan siya ni Angel na magpahinga kung siya ay pagod at nangangailangan ng pahinga.
“Sabi niya sa ’kin kapag pagod ako, sabihin ko lang daw talaga na I need to take a rest.”

Kabilang si Angel sa mga aktres na gumanap bilang “Darna” noon at itinuturing na isa sa pinakamahusay na gumanap sa papel ng superhero.
Ang isang video post naman ni Jane sa social media kamakailan ay nakakuha ng atensyon ng kanyang mga followers. Sa kanyang post, ibinahagi niya ang teaser video ng “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series.”
Bukod kay Jane, makikita rin sa teaser ang mga cast nito na sina Iza Calzado, Joshua Garcia, Janella Salvador at Zaijian Jaranilla. Kasalukuyan namang wala pang anunsyo ng petsa at oras ng pagpapalabas sa nasabing serye.

Marami ding netizens ang hindi na makapaghintay na ipalabas ang “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series.”
“Im so excited and love the editing and the stunts so far and ‘yung moves ni @imjanedeleon is so smooth.”
“‘Yung sigaw ni Jane goosebumps tumatayo balahibo ko galing.”
“Shocks! Nakakaexcite na talaga! can’t wait na for you DARNA.”
Ang pasilip:
View this post on Instagram