Kamakailan ay inalmahan ni Janno Gibbs ang isang netizen na nag-iwan ng negatibong komento tungkol sa Kakampinks.
Sa isang Instagram story, nag-post ang beteranong singer-actor ng screenshot ng unsolicited comment ng isang netizen. Aniya, “Double time mga kakampink. You have 4 days to go” na may kalakip na green at red heart emoji.
Sinagot naman niya ito at sinabing, “Double time din kayo sa pag-visit ng Kakampink posts.”
Samantala, dumalo naman si Janno sa grand rally sa Baguio at nagpapasalamat dahil sa pagsabay ng mga audience sa pagkanta niya ng awiting ‘Ipagpatawad Mo’.

“Salamat Baguio! Ang tinig n’yo ay musika sa aking puso 🇵🇠#ipanalona10to.”
Ilang netizens naman ang nagkomento.
“Salamat uli sa pagtindig! Para sa bayan, ipanalo na natin ito. House to House, Facebook to Facebook na!”
“Ikaw na ang pinaka witty sa pagsagot sa mga basher. Thank you idol sa pagtindig… mananalo tayo!. Pilipino para sa kapwa Pilipino… Pilipino para sa Pilipinas.”

“Maraming salamat sir Janno for using your voice, influence, and platform to echo our cause for good governance and to reclaim the next generation’s future from historical revisionists”
Matatandaan na tinabla ni Janno noong Abril 12 ang isang netizen na nagsabing sinusuportahan niya lang ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo dahil gusto niyang ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.
Ito ay matapos magbahagi ni Janno ng larawan upang ipakita ang kaniyang pag-endorso kay VP Leni sa pagka-presidente.

Nag-iwan naman dito ng komento ang isang netizen na nagsabing gusto lang ni Janno na maibalik ang ABS-CBN.
“SIGURADUHIN mo lang dahil kapag nagkataon paano naman kaming mahihirap? Kapit lang naman kayo d’yan para maibalik ang ABS-CBN kung nagbabayad kasi sana ng buwis, hindi umabot dyan. Just comment lol oh Papatol yarn sabay delete,” sabi nito.
Paliwanag naman ni Janno, wala itong katotohanan dahil banned siya sa ABS-CBN.
“Banned ako sa ABS! Di mo ba alam?” tugon niya.
Basahin: Janno Gibbs sinopla ang netizen na nagsabing ‘kapit’ siya kay VP Leni para sa ABS-CBN franchise