Mariel Padilla masayang nakapagsuot muli ng Pink na outfit, Kristine nag-react

Matapos ang naganap na halalan ay masayang ibinahagi ng aktres na si Mariel Rodriguez-Padilla na sa wakas ay nakasuot na muli siya ng pink outfit.

Sa kanyang pinakabagong post sa Instagram noong Mayo 12, “Yehey pwede na ulit mag-Pink!!! #PinkloverOG.”

Nang ibinida ang kanyang outfit ay marami naman ang nagkomento na mga kilalang celebrity friend na sumusuporta sa kandidatura ng BBM-Sara gaya nina Alex Gonzaga, Karla Estrada, at iba pa.

Isa rin na nagkomento ay ang misis ni Oyo Boy Sotto na si Kristine Hermosa na kamakailan ay nagpalit ng  kulay pulang background sa profile picture ng kaniyang FB account.

Matapos lumamang ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ay nanawagan ang mga BBM-Sara supporters na magpalit ng larawan.

Marami ang nagulat sa kaniyang ginawang paglantad dahil sa buong kampanya ay tahimik lamang si Kristine.

“@marieltpadilla Yehey!!!!!!” saad ng aktres.

Nagtungo rin ang nangunguna sa Top 12 senatoriables na nasa ilalim ng UniTeam na si Robin Padilla sa comments section, “Yes babe favorite natin na color.” 

Tumugon naman dito si Mariel, “@robinhoodpadilla yes babe hehehehehee ilabas ko na lahat hahahaa.”

Ang Pink ay kulay ng mga Kakampink na sumusuporta sa Leni-Kiko tandem. Matatandaang naging batayan ng panghuhula ng mga netizen kung sinong kandidato o anong partido ang sinusuportahan ng mga celebrity sa halalan, batay sa kulay ng suot ng damit.

Basahin: Mariel grateful to everyone who voted for husband Robin Padilla

Ang 37-anyos na asawa ni Robin Padilla ay nag-post ng kanyang pasasalamat sa milyun-milyong botante na nagtiwala at umaasa sa kanyang mister bilang senador sa Election 2022 ngayong taon.

“My Senator (heart emoji) is #1 (emojis) we are beyond grateful!!! Pilipinas, maraming maraming salamat.”

Nananatiling top 1 si Robin sa listahan ng mga senador ayon sa partial and unofficial na vote result  at nakakuha pa ng pinakamaraming boto mula sa mga absentee voters sa ibang bansa ayon sa mga ulat.

Post a Comment

Previous Post Next Post