Ibinahagi ng Singaporean na si Kelly Chua sa kaniyang Tiktok account ang surpresa ng kaniyang kuya at dati nitong Pinay yaya kaugnay sa pagdalo ng huli sa araw mismo ng kaniyang kasal.
Sa kanyang opisyal na TikTok account, nakatanggap si Kelly ng isang nakaaantig na surpresa mula sa kanyang kapatid sa araw ng kanyang kasal. Aniya sa caption, “The biggest wedding surprise ever.”

Ang video, na nai-post noong Abril 28, ay nagpapakita kay Kelly sa altar kasama ang kanyang mga magulang, kapatid at groom.
“I prepared a very big surprise for you. Are you ready?” tanong ng kaniyang kapatid na sinenyasan si Kelly na tumalikod para tingnan ang kanyang mga bisita.
Laking gulat niya nang dumating pala ang dating Pinay domestic helper na si Yaya Lita sa kanyang espesyal na araw! Salamat sa kanyang kapatid.

Paliwanag ni Kelly, “My brother flew my domestic helper of 27 years in from Philippines to attend my wedding.”
Lumapit si Yaya Lita kay Kelly at binigyan ng mahigpit at mainit na yakap. “I love you, yaya,” aniya sa kaniyang video.
Ayon kay Kelly, una nang ipinaalam sa kanya ni Yaya Lita na hindi ito makapupunta sa kanyang kasal ngunit hindi niya alam na bahagi pala ito sa plano ng kaniyang kuya.

“She went home 3 years ago and told me she couldn’t attend my wedding because she didn’t manage to renew her passport but my brother actually had it all planned from the start,” pagbabahagi niya.
@otter.totts My brother gave me the biggest wedding surprise ever ðŸ˜❤️ #weddingsg #weddingsurprise #weddingdaysurprise #bestsurprisever #domestichelper #yaya #fyp #touchingmoment ♬ original sound – otter.totts
Sa comment section ng kanyang viral post, ipinunto ng ilang netizens na tiyak na karapat-dapat ang kapatid ni Kelly sa ‘Best Brother of the Year’ award.
Sa isa pang video ay ibinahagi ni Kelly ang pamamasyal nila ni Yaya Lita. Aniya, “Cherishing every moment I have with her before she heads home.”
@otter.totts Reply to @elmevin27 Cherishing every moment I have with her before she heads home ❤️ #yayalita #fyp ♬ It’s a Beautiful Day – Evan McHugh