Baron Geisler inamin na humingi ng annulment ang asawang si Jamie

Pansamantalang magkahiwalay ngayon sina Baron Geisler at ang asawang si Jamie Evangelista. Kinumpirma ito ni Baron sa entertainment press kung saan um-attend siya sa Vivamax Summer Campaign presscon kamakailan.

Ayon kay Baron, nakatira siya ngayon sa bahay ng isa sa kanilang sponsors ni Jamie na kabilang sa kanilang fellowship.

Muli namang sumasailalim sa recovery process ng Alcoholics Anonymous na mayroong 12 guidelines si Baron. Nakatutulong ang program na ito para makaiwas at makawala sa bisyo ang sinumang mayroong problema ng adiksyon sa alak.

Umaasa si Baron na magiging maayos pa ang relasyon nila ni Jamie na sinubok nang muling bumalik ang aktor sa bisyo na nauwi pa sa pagtatalo nila ng kaniyang misis.

“Hopefully, we can soon be back together when emotions are less raw,” saad niya sa ulat ng Star Cinema.

Nagpasalamat naman ang aktor sa mga bumati sa kanyang pagtatapos kamakailan habang nilinaw niya na isa pa rin siyang “work in progress” patungkol sa kanyang rehabilitation.

“Guys, I appreciate your congratulatory messages but I really did not work that hard to earn a degree in Theology, I take it as a blessing. I am still a work in progress. I’m still in treatment for my alcohol addiction, hoping that I will get better roles in the future,” aniya.

Pakiusap naman niya sa Viva Films na producer ng mga Vivamax content na karamihan ay sexy ang genre na mag-create ng movies na nagpo-promote ng good family values.

Sinabi rin niyang mas inaabangan niya ang mga portrayals na nagre-reflect sa kanyang values bilang isang “Christian and my image as a transformed family man.”

Sa kanyang latest project na “Pusoy” ay muling nagpakita ng husay si Baron sa larangan ng pagganap.

Inamin din ng aktor na humihingi na ng annulment ang kanyang asawa at sinabing, “I am not proud of it and it’s taking a toll on my marriage, from my wife who is demanding for an annulment. God bless us all!”

Ikinasal si Baron kay Jamie noong Setyembre 2019 sa isang civil ceremony pagkatapos ng isang taon na pagsasama. Nagkakilala ang dalawa sa panahon ng rehabilitasyon ni Baron para sa past addiction. Ang kaniyang asawa ay isang psychologist ng pasilidad, ayon kay Baron.

Mayroon na silang isang anak na babae, ang dalawang taong gulang na si Talitha Cumi.

Basahin: Baron Geisler masayang natupad ang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo

Post a Comment

Previous Post Next Post