Raffy Tulfo nanawagan sa Pangulo na ideklarang 'national day of mourning' ang 'pamamaalam' ni Susan Roces

Nanawagan ang broadcaster at senator-elect na si Raffy Tulfo kay Pangulong Rodrigo Duterte na parangalan ang pagpanaw ng beteranang aktres na si Susan Roces sa pamamagitan ng pagdedeklara sa kanyang libing bilang isang, “national day of mourning.”

Inirekomenda rin ni Tulfo na kilalanin si Roces bilang isang national artist posthumously.

“We ask President Rodrigo Roa Duterte to declare a national day of mourning on the day of her burial. Rep. Jocelyn Tulfo (Raffy Tulfo’s wife) will file a House Resolution next week extolling Ms. Susan Roces’ legacy and recommending her nomination for posthumous National Artist honors,” aniya sa isang pahayag nitong Sabado, Mayo 21.

Si Tulfo, sa ngalan ng kanyang pamilya, ay nagpaabot din ng kanilang pakikiramay kay Senator Grace Poe at sa mga nagmahal at lubos na humanga sa yumaong aktres.

“Few celebrity icons are as loved as Ms. Susan Roces. Hindi mawawaglit sa alaala naming mga taga-hanga niya ang kanyang ‘di mabilang na mga pelikula, programang pang-telebisyon, at patalastas,” dagdag pa ng broadcaster.

Basahin: Daughter Grace Poe confirms the passing of Susan Roces, the ‘Queen of Philippine Movies’

Pumanaw na ang iconic actress na si Susan Roces, ang “Queen of Philippine Movies,” ayon kay Sen. Grace Poe sa kanyang social media post. Ang kanyang ina ay 80 taong gulang.

“With great sadness, we announce the loss of our beloved Jesusa Sonora Poe, whom many of you know as Susan Roces. She passed away peacefully on a Friday evening, May 20, 2022, surrounded by love and warmth, with her daughter Grace, her nephews Joseph and Jeffrey and many of her family and close friends. She lived life fully and gracefully. Remember her in her beauty, warmth and kindness.

She is now with the Lord and her beloved Ronnie — FPJ. We will miss her sorely but we celebrate a life well lived. Susan Roces — daughter, mother, grandmother, a true Filipina and a national treasure,” saad ni Sen. Poe sa kanyang pahayag.

Hindi makapaniwala ang mga netizens nang kumalat sa social noong Biyernes ng gabi ang balitang sumakabilang-buhay na ang pinakamamahal na ‘Lola Flora’ ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Post a Comment

Previous Post Next Post