Sa pagpasok ng mga partial at unofficial na resulta ng eleksyon, sinabi ng kandidato sa pagkapangulo na si Senador Panfilo “Ping” Lacson na panahon na para ang kanyang pamilya naman ang kanyang ‘pagsilbihan’.
As of 6:47 a.m. ng Mayo 10, nasa ikalimang puwesto si Ping na may 881,220, batay sa transparency server ng Commission on Elections (Comelec).
Ani Ping sa kaniyang tweet nitong Martes ng umaga, “I’m going home. After being away too long looking after the needs of other people, it is time to serve my family for a change.”

“Enjoying peace and quiet in these challenging times will probably be my life’s greatest reward,” dagdag pa niya.
Ayon kay Senador Lacson nitong Lunes, May 9, hindi niya planong ipagpatuloy ang kanyang karera sa pulitika kung matatalo siya sa halalan.
Sa isang panayam sa media pagkatapos bumoto sa kanyang bayang Imus ay nagsabi ito na hindi siya interesadong humawak ng posisyon sa Gabinete sa ilalim ng susunod na administrasyon.
“No. I won’t even speculate but like I said, I’m more inclined not to accept anything anymore,” aniya
Sa ilalim ng batas ng Pilipinas, ang mga natalong kandidato ay maaaring italaga sa isang posisyon sa gobyerno isang taon pagkatapos ng electoral exercise.
Sinabi ng senador na nararamdaman niyang sapat na ang kanyang ginawang serbisyo publiko.
“It’s already been 50 years and that’s it for me as far as government service. But, as I said, it depends on the conditions.”

“It is understandable that during the campaign, someone will come out with a statement against any or some of the candidates, but that is normal. Now that it is over, I hope all of it will be forgotten after today.”
“Let us be one nation, one people again.”
Kung sakaling magretiro siya sa pulitika, sinabi ng senador na kasama sa kanyang mga plano ang pagsasaka sa Silang, isa pang bayan sa kanyang probinsiyang Cavite.
Ginugol ng senador ang kaniyang 50 taon sa serbisyo publiko. Naglingkod siya bilang hepe ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas mula 1991 hanggang 2001. Una siyang nahalal bilang senador noong 2001.
