Sharon Cuneta, hiling ang respeto, pagmamahal at pag-unawa

“Respeto, pagmamahal at pag-unawa. ‘Yun lang sana.”

‘Yan ang hiling ng Megastar na si Sharon Cuneta na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram. Wala naman siyang tinutukoy sa post ngunit ipinahihiwatig niya na ang menasahe ay para sa lahat.

Ibinahagi niya ito nitong Mayo 15 ilang araw pagkatapos lumabas ang resulta ng halalan.

Ang asawa ni Sharon na si Sen. Kiko Pangilinan ay natalo kay Mayor Sara Duterte ng Davao sa pagka-bise presidente at naging emosyonal ang mag-asawa sa thanksgiving event noong Mayo 12. Kinuhanan sila ng video ng kanilang anak na si Kakie Pangilinan kung saan ipinakita nito kung paano niyakap ng senador ang kanyang asawa.

Sa Facebook post ng Megastar ay ibinahagi niya na sila ay masaya kahit malungkot para sa bayan.

Aniya, “kagabi. Sa aming pagpapasalamat sa Team Kiko at mga kaibigang artista at hindi na walang humpay na tumulong sa laban namin sa nakaraang kampanya. Masaya kami kahit malungkot para sa bayan at sa mga nagkaroon ng pag-asang maging kulay rosas ang bukas natin, dahil ang boto namin ay nasa right side ng history!”

Basahin: Sharon nagpasalamat sa team Kiko, ‘Masaya kami kahit malungkot para sa bayan’

Kamakailan lamang ay nagbahagi si Sharon ng taos-pusong dedikasyon para sa yumaong si Fanny Serrano. Nagpasalamat siya sa kanyang pinakamamahal na Tita Fanny sa pagmamahal, pagkakaibigan at katapatan na ibinigay nito.

“The hands that made me feel and look beautiful for over thirty years, even when I didn’t think I did. Thank you, my dearest TF, my Tita Fanny, for your love, friendship, loyalty, and for all the laughter we shared,” aniya.

“Thank you for wiping so many tears quietly as they poured from my eyes on so very many occasions over all these three decades. I find peace in that I kept my promise to you. I know you have gone straight to heaven, and I pray that I see and laugh with you again there someday…I love you so very much,” dagdag pa niya.

Post a Comment

Previous Post Next Post