Nag-react si Agot Isidro sa isang netizen na nagkomento sa video ni outgoing VP Leni Robredo na sakay ng eroplano papuntang US.
Nagpaalam ang nasabing netizen sa bise presidente at nagmungkahi na huwag na itong bumalik sa bansa.
“Bye madam. Wag ka na babalik. Pakiusap? Salamat,” komento ng netizen sa video post ng VP.
Nakita at nabasa ni Agot ang komento ng netizen kaya nag-reply ito sa komentong iyon.

Aniya, “Nanalo na kayo ‘di ba? Kayo pa bitter. Unity, my sweet, perky *ss,” ani Agot, Inusisa rin ng singer-actress kung hindi imbitado ang netizen sa Amanpulo.
“Btw, ‘di kayo imbitado sa Amanpulo? Tsk tsk tsk.”
May mga usap-usapan na si President-in-waiting Bongbong Marcos ay nasa magarbong resort ng Amanpulo upang ipagdiwang ang kanyang tagumpay. Walang kumpirmasyon kung totoo o hindi ang usap-usapan.
Sa nakaraang post ni Agot sa social media, na umabot sa viral status, ay tila puno ito ng labis na emosyon na maaaring maramdaman ng mga mambabasa.

Sa kanyang tweet, ikinalungkot ng singer-actress kung gaano kahirap ipaglaban ang bansa. “Ang hirap hirap mong ipaglaban, Pilipinas.”
Ang singer-actress ay kabilang sa mga celebrity na karaniwang nagkokomento tungkol sa pinaniniwalaan nilang hindi kainamang patakaran at hakbang ng gobyerno.
Kasalukuyan namang naka-private ang Twitter account ni Agot kaya hindi na basta-basta makapasok ang bashers.

“I have survived 6 years of trolling and bashing. This time, I won’t take it sitting down. Sa trolls, hinding-hindi ako magugutom. Not even in the next lifetime. Hindi ako malalaos kasi hindi ako sikat. Mukha akong matanda kasi matanda na ako. At least, Au naturel ngayon…”
Dagdag pa ni Agot: “Kung Kailangan n’yo ng tulong, ituturo ko kayo sa Malacañang. Kung Kailangan n’yo ng pera, Singilin n’yo ‘yung tallano gold. Hintayin n’yo maging 20 pesos ang bigas hanggang mamuti ang mata n’yo. Walang kuryente? Sabihin mo magtayo ng windmill sa bakuran nyo.”