Toni G binati na ang presidential frontrunner na si BBM, 'Congrats Ninong Bong'

Sa social media ibinahagi ng aktres na si Toni Gonzaga ang kaniyang pagbati para kay dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na ngayon ay nangunguna sa partial at unofficial results ng halalan na naganap noong Mayo 9.

Sa isang video clip sa IG stories ng 38-anyos ay makikita ang kanyang pag-awit ng ‘Umagang Kay Ganda’ sa naganap na miting de avance ng UniTeam noong Mayo 7 sa Paranaque City, gayundin ang pagyakap niya kay BBM.

Basahin: Toni Gonzaga inawit ang ‘Umagang Kay Ganda’ sa campaign sortie ng UniTeam

“Congrats Ninong Bong,” nakasaad sa caption ni Toni at tinawag na niyang ‘President’ si BBM na kanyang ninong sa kasal.

Noong nakaraan taon Setyembre 24, 2021, ay bumuhos ang kritisismo kay Toni nang isagawa niya ang panayam kay BBM, sa kaniyang talk show vlog na ‘ToniTalks’. Dito nagsimula na ang diumano’y ‘cancel culture’ sa aktres.

Basahin: Toni Gonzaga: ‘Hindi uso sa UniTeam ang cancel culture’

Lalo pa itong naging kontrobersyal nang maging host siya ng proclamation rally ng UniTeam at nagpahayag ng kaniyang pagsuporta sa BBM-Sara tandem.

Basahin: Toni Gonzaga nag-host sa proclamation rally ng UniTeam nina Bongbong at Sara

Pagkatapos mag-host sa nasabing rally ay agad na nagbitiw ang Ultimate Multimedia Star sa reality show na ‘Pinoy Big Brother’ sa ABS-CBN at ibinigay ang pagiging main host kay Bianca Gonzalez.

Kinumpirma naman ito ni Toni sa isang Instagram post kung saan nagpasalamat siya kay “Kuya” sa 16 years na nagsilbi siyang host ng PBB.

“From witnessing all my co-hosts transition from housemates to PBB hosts are just some of the best moments in my life sa bahay ni Kuya! Today I am stepping down as your main host. I know Bianca and the rest of the hosts will continue the PBB legacy,” pahayag ni Toni.

Basahin: Toni Gonzaga nagpaalam na sa PBB

Hayagan na rin ang pagtawag ni Toni ng ‘Our President’ kay BBM, na kamag-anak rin ng asawa niyang si Direk Paul Soriano.

Sa kaniyang IG ay masayang ibinahagi ng aktres na nakatanggap siya ng award mula sa ‘Legacy Icon 2022 awards’.

“Maraming Maraming salamat Legacy Icon 2022 awards sa pagkilala bilang Outstanding Celebrity Host at sa pagkilala sa  Toni Talks bilang Outstanding Social Media Talk Show.”

Post a Comment

Previous Post Next Post